05.

12 4 0
                                    

THIRD PERSON POV.
"Bakit hindi mo pa sabihin sakaniya ang totoo?"

MELANY POV.
"Natatakot ako na baka pag nalaman niya, hindi na ako nito matanggap lalo na nag-iba na ang hitsura ko"

FIRST PERSON POV.
Iyon lamang ang narinig ko ng biglang may papalapit na yapak ng paa mula sa loob na papalapit sa pinto, kaya tumakbo ako ng mabilis paalis sa kwartong iyon at lumabas ng Hospital.

Sumakay na ako kaagad sa kotse dahil baka makita pa ako nito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay, nakita ko naman ang phone ko na puno ng messages ng mga kaklase ko at tinatanong kung saan banda ang location ng bahay ko.

I messaged them and give my location.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, at naghanda ng ilang meryenda pagdating nila.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na silang lima, pinapasok sila ng guard at sakto naman na katatapos ko lang ihain ang mga kakainin nila.

"Akala ko naman kung naligaw kami ng bahay na pinasukan nesh, sa kalaki ng bahay na ito buong angkan namin kasya eh" sambit ni Isha.

"Oh siya, mag meryenda muna kayo saka tayo magsimulang mag video" saad ko at sumang-ayon naman sila.

Habang kumakain ang iba, inilabas naman ni Kainnah ang mga script, at si Jio naman ang nagpaliwanag ng kabuuan na magaganap mamaya kapag nag video na.

"May iba pa ba kayong suggestions maliban sa mga binanggit ko?" tanong ni Jiro at umiling naman kaming lahat.

"Kung ganon, magsimula na tayo" tugon nito.

Si mina ang taga make-up namin, samantala si Jio naman ang kabuuang direktor namin kasabay nito ang pagiging videographer niya.

5:40 ng hapon, natapos na rin ang pag-video at si Jio na din daw ang bahala sa pag-edit, since sa Monday palang naman ipapasa.

Umuwi na sila maliban kay Zack na ngayon ay malalim ang tingin niya sakin. Nilapitan ko ito.

"Hindi ka paba uuwi?" tanong ko dito.

"Kanina pa kita napapansin na parang balisa at malalim ang iniisip" saad naman nito.

"Lilipas din ito, 'wag ka magalala para naman akong mawawala"

"H'wag ka nga magbiro ng ganyan! " sumbat nito na ikinagulat ko.

"Wow, concern 'yan" tugon ko sa mahinang tono.

"May sinasabi ka?"

"Wala, so kailan ka aalis?"

"Ito na aalis na" pagbuntong hiningang sagot nito.

"Bye bye" pang-aasar ko.

At umalis na nga ito, iniligpit ko naman lahat ng mga ginamit namin saka pumunta sa kwarto ko.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako ng ilang minuto ng napagtanto ko ang mga narinig ko kanina sa Hospital, nag-bago ang hitsura? nagtaka ako.

Bakit natatakot siyang sabihin ang totoo? bakit niya kailangan magpalit ng hitsura?
kung nagpalit nga siya, ano ang dahilan?
anong rason niya at sino siya? mga bumabagabag na mga tanong sa isipan ko.

Nais kong malaman ang mga sagot sa mga katanungan ko, ngunit gabi na at inaantok na rin ako kaya natulog na ako sa oras na iyon.

Truth Untold Where stories live. Discover now