16.

7 4 0
                                    

MINESHA POV.

Nagising ako sa hindi ko alam, nagising ako kung saan ang tahimik at payapa ng lugar.

Lahat ng nandito ay may ngiti sa kanilang mga labi at mata, makikita mong lahat sila ay malaya at masayang ginagawa ang lahat nang kanilang naisin.

"Patay na ba ako?" tanong ko sa babaeng ngayon lang ay nasa harap ko, ngunit wala itong kibo at ipinagpapatuloy lamang ang kaniyang ginagawa.

At sa kalagitnaan ng pagtatanong ko, may taong hinawakan ang balikat ko. Kaya agad akong lumingon kung sino ito. Isang babaeng maganda, kamukha ko.

"Anak, pagpasensiyahan mo na ang iyong ina at hindi mo na makilala kung sino ang kaharap mo ngayon, anak ako ang tunay mong ina. Nang maisilang kita ay ang pagkawala ko" kita ko man ang lungkot nito sa kaniyang mga mata, ngunit walang luha ang lumalabas dito.

"Anak, mahal ka namin ng papa mo. Ang naisin ko lamang ngayon ay mamulat kana, gumising kana at gawin mo kung ano ang tama" huling sambit niya sa akin ng may tumunog na kampana dahilan para mawala sila sa paligid kasama ako, kasama ang taong nasa harapan ko.

MELANY POV.

"Doc, kamusta si Lani? kamusta ang anak ko?" tanong ko dito.

"Pasensiya na ma'am, ginawa na namin ang lahat" sambit nito na ikinahagulgol ko naman sa iyak.

Yinakap ako ng doctor at may ibinigay sa akin na isang piraso ng papel, at pagkatapos nitong ibigay sa akin ay lumabas na ito ng kwarto.

Truth Untold Where stories live. Discover now