Binuksan ko ito, sulat ni Lani.
"Ma, alam kong hindi ko nagampanan ang pagiging anak sainyo, hindi din ako naging mabuting anak sa 'yo. Pero ma, salamat sa lahat ng ibinigay mo, salamat sa pagkupkop mo sa akin. Kung nalaman ko lamang sana ng maaga na ikaw ang tunay kong ina, hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to.
Ma, wala kang kasalanan. Wala kang ginawang mali, tandaan mo 'yan ma.
Sila ang mali at hindi ikaw. Mahal na mahal kita mama . -Lani"Mas lalo akong napahagulgol sa iyak sa mga nabasa ko, kung gayon ay siya ang tunay kong anak.
"Pasensiya na nak, hindi agad nalaman ni mama ang totoo. Huling huli na ako nak, huling huli na ako" sisi ko sa sarili ko saka patuloy na umiyak.
"Patawad anak, ngunit ito na ang huli na mahahawakan kita" huling sambit ko sakaniya.
ZACK POV.
Nakita ko si Minesha na naalimpungatan, at tila naguguluhan kung nasaan ka.
"Sino ka?" tanong nito na aking ipinagtaka. Tinawag ko ang Doctor para tignan ang kalagayan niya.
"Malakas ang pagkabangga ng truck sa ulo niya, kaya siguradong may mga damage ang brain niya kaya naging rason ito para magka amnesia siya" pagpapaliwanag ng Doctor.
"Intindihin niyo na lamang siya ngayon, dahil siguradong maguguluhan din siya. Tulungan niyo siyang ipaalala ang lahat 'wag lamang pabigla bigla. Mauna na ako" huling sambit ng doctor.
Pagkasarado ng pintuan ay bumukas itong muli. Nakita ko ang pagpasok ni Mrs. Alvarez papalit sa kinalalagyan ni Minesha.
At doon ko na lamang napansin na katatapos niya lang umiyak."Minesha" sambit nito ngunit tanging titig lang ang ibinalik nito sakaniya.
"Sino po kayo?" tanong muli ni Minesha na ikinalungkot naman ni Mrs. Alvarez.
"Ako ito anak, ang mama mo"
"Matagal ng patay ang mama ko!" sigaw ni Minesha na ikinagulat naman niya.
"Anak.."
"Huwag mo kong matawag tawag na anak, dahil wala na ang mama ko" sabi nitong muli at hindi na niya napigilang umiyak.
Lumapit ako sakaniya at yinakap siya upang pakalmahin. Agad namang lumabas ng kwarto si Mrs. Alvarez habang pinipigilang hindi tumulo ang luha niya.
Pagkatapos ng ilang minuto.
Nakatulog na rin si Minesha at ako naman ay nakatanggap ng tawag galing sa Papa ko.
"Asan kana ba? maiiwan tayo ng eroplano"
![](https://img.wattpad.com/cover/344141796-288-k659737.jpg)
YOU ARE READING
Truth Untold
De TodoA Lie runs very fast, but the truth always reaches the Destination #TruthUntold #Taglish