20.

10 2 0
                                    

"Tumawag ka na ng ambulansiya" sambit ko sa kaibigan ko na agad nitong sinunod.

Ilang minuto pa, nakarating na sila. Kasama ang mga ilang pulis ding pinatawag ko upang mag imbestiga. Maraming dugo ang nagkalat sa buong bahay kaya hindi basta basta iisang tao lang ang may gawa nito.

Habang kinakausap ako ng isang pulis ay my tumawag sa akin na unknown number, agad ko itong sinagot.

"Hawak ko ang anak mo? bigyan mo ko ng limang daang milyon, kung hindi papatayin ko si Minesha. Huwag kang magtatangkang magsabi sa mga pulis dahil kung hindi, hindi mo na maaabutang buhay ng anak mo" saad nito at ibinaba agad ang tawag.

Narinig ng mga pulis ang lahat ng sinabi nito at agad naman silang nag plano kung ano ang dapat gawin.

MINESHA POV.

Nagising ako ngunit hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Nakatali ako habang nakaupo sa isang upuan at may babaeng nakasuot ng mask na nasa harap ko, may hawak siyang baril at sa kaniyang baywang ay mayroong nakaipit na kutsilyo.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya naisip ko na huminahon muna.

"Gising kana pala" banggit ng babaeng nasa harap ko.

"Sin-sino p-po kayo? ano pong ginagawa ko rito? ba't ako nandito?"

"Tumahimik kana nga lang, ang dami mong dada, ilang oras na lang nandito na din ang kukuha sa'yo. Ngunit ito ang tatandaan mo, hindi sila makakaalis ng buhay dito" sambit nito saka tumawa na parang mangkukulam.

Tumahimik nalang ulit ako.

MRS. ALVAREZ POV.

"Ma'am nandito na tayo" bulong ng isang pulis na nasa harapan ko.

"Ako na muna ang papasok, 'wag kayo basta-basta sumusugod baka masaktan ang anak ko"

"Masusunod po ma'am"

At pumasok na nga ako sa isang madilim na bodega dala dala ang isang bag na may lamang pera.

Narinig ko na may boses ng babae na nagsasalita, kaya agad kong sinundan iyon.
Sinilip ko ito at nakita ko ang anak ko na nakatali sa upuan at nakita ko ring nag-iisa ang babae.

Nakita ako ng babae kaya agad itong nagsalita.

"Lumabas kana, nakikita kita"

Truth Untold Where stories live. Discover now