Kuya Soju: Sino Ka Nga Ba?
Isang lalaking masayahin. Mabiro. Topakin. Kalog. Maboka. Makwento. Iyan si Soju sa mundo ng Wattpad. Unang sinulat ang Almost a Cinderella Story hanggang sa School Trip. Pero sino nga ba siya sa totoong mundo? Ano nga ba siya sa realidad.
Katulad lang siya ng tambay sa kanto na araw-araw mong nakikita. Naka T-shirt, shorts at tsinelas lang.
Katulad ng classmate mo na tahimik. Walang masyadong kaibigan. Kuntento na kapag may lumapit at nagtanong.
Katulad mo lang siya. Nangangarap...
Minsan mo na siyang di pinansin noon. Nilait ang kanyang storyang sinusulat. Nilampasan dahik konti ang reads. Nilampasan dahil...Lalaki siya. Hindi kasing husay ng isang babae.
Sino nga ba si Soju?
Gigising sa umaga, kakain, maliligo. Papasok sa trabaho. Uuwi at tutulog.
Isang bilog na nais niyang takasan.
Ano nga ba siya sa totoong buhay?
Tamad. Iyong tipong lahat iniuutos niya.
Moody. Parang bagyo. Unpredictable. Pabago-bago.
Mahiyain. Hindi nagsasalita kung di mo kakausapin.
Iyan si Kuya Soju. Hindi perpekto. Maraming pagkakamali. Malayong-malayo sa Kuya Soju na nakaka-usap mo sa Wattpad at Facebook.
Ano nga ba ang hitsura niya?
Malay mo...Nagkasalubong na kayo sa daan...Hindi mo lang alam.
(Wala lang. Hehe. Katamad kasi kaya tinype ko na lang nasa utak ko.)
BINABASA MO ANG
Ang Thought Ko
RandomMga nakakabaliw na thought or opinyon ko sa mga bagay-bagay at kung anu-anong chika.chika...