THOUGHT #01: PIMPLES
Pimples
Tigyawat
Tighiyawat
Punggod
Pempols (ayun kay Inday)
Tigidig
Rosary beads...
Sino nga ba ang di nakakaalam ng word na ''pimples''? Nakakairita, hassle at di ka makapag-pa-cute sa kapitbahay mo na uber sa ganda o pogi kapag meron ka nito.
Oh diba?
Ako, madali akong magkaron niyan. Matulog lang ako ng 12 midnight, presto! Instant mamula-mulang pimple the next day! Kairita!!
Buti sana kung naipapakilo yang punggod na yan sa junk shop o kaya mananalo ka ng free trip to Bataan pag nagkaron ka niyan, di naman diba?
I remember my high school days, oh my high skul days ay walang kasing saya...Bakit kung graduation day, luluha kang talaga...
Uy...! Kinanta niya...Malamang idol mo si Ate Shawie, noh!
Hindi, kasi nung hayskul ako talagang napa-paranoid ako pag meron niyan. Yung tipong ''Hindi ako papasok kasi may pimples ako!'' Ako lang yata ang umaabsent at ginagawang excuse ang pimples para di makapasok sa school.
Sabi daw ng lola ko kaya daw ako nagkakaron ng pimples kasi di daw ako naghilamos ng panty ng babaeng first time na reglahin. Eh di kung sinabi niya kaagad eh di sana hiningi ko kay Nene ung panty niya nang nagka-mens siya!
Saka wag daw akong magtitiris ng pimple sa harap ng salamin. Ansaaveeeh?!? Anong konek?!? Bakit? Naglalabas ba ng radiation ang mirror that cause tigyawat?
Nakaka-stress talaga yan diba? Kaya ako, todo hilamos ako to prevent pimples. Kayo ba?
Pano ba nagsisimula ang pimple?
How to prevent this?
Pano ang easiest way to remove pimples?
Sino ang unang nagkaron nito?
Nagkaron din ba nito sina Adan at Eba? Eh si Dora?
Gusto mong malaman ang sagot?
Eh di, i-google mo!
Haha!
Tama na nga...Yoko na!
Til'next mga ka-chika.chika!!!
Pwede rin kayong magtanong sa akin ng kahit na ano.
Halimbawa: Ano ang thought mo about sa blah blah blah?
-soju-
BINABASA MO ANG
Ang Thought Ko
RandomMga nakakabaliw na thought or opinyon ko sa mga bagay-bagay at kung anu-anong chika.chika...