THOUGHT #05: Guy Wattpad Writer
Bago ako gumawa ng story dito talagang pinag-isipan ko talaga. Wattpad--is sure a girl thing. Makakaya ba ng isang lalaki na pumasok sa isang site na karamihan ay girl ang user?
Naisip kong magpanggap na girl na lang dito (feeling Keifer ng Pristine Academy) pero nag back-out ako sa idea. Papatunayan kong kaya rin na gumawa ng isang lalaki ng story.
At first, naiinis ako kapag nakakapagkamalan akong beki o ate kasi pang babae daw style ng writing ko pero ngayon hindi na, i take that as a compliment na.
Ang galing ko daw pagdating sa gay lingo. Natatawa talaga ako pag sinasabihan ako ng ganito. Nasa pagreresearch lang po yan. Tandaan, walang sinasanto si Pareng Google! Si Qwerty, Waffle, Yogurt at Nicco ay ilan lamang sa nagawa kong gay character.
As a guy writer, hindi na ako nangarap na magkaroon ng thousand of thousand of fans. Maswerte na ako as a guy writer na magkaroon ng ilang readers...Sabi nga too much love will kill you! (anuudaw?!? anong konek?!?)
Fave genre ko talaga ang horror at yung ganung genre sana ang gagawin kong debut story pero bumagsak na humor ang naging first ko. Yun kasi ang ''uso''. Haha!
Saan ko ba nakukuha ang idea ko sa mga stories ko? Dahil wala akong computer, ang pinagkukuhaan ko ko sa ngayon ay yung mga tao sa paligid ko. Halimbawa, may nakita akong girl na nasa salon, nagagawan ko kaagad siya ng kwento. Ay ang girl na ito magpaparebond tapos maling product ang mailalagay sa buhok niya then makakalbo siya. Magagalit yung girl at magsasabunutan sila nung baklang nag-rebond sa kanya. At ang ending, tatawa ako ng mag-isa!!! Hahaha... Mga ganun..
Ang mga lalaking writer (opinion ko lang) madali lang kaming sumaya. Okey na sa akin ung alam kong may nagbabasa ng sinusulat ko.
Sa mga reader naman namin, don't expect too much sa story namin. Lalaki po kami at hindi babae... Gets niyo po ba?
Ayun, salamat for reading my very short thought...:))
chika.chika!
-soju-
BINABASA MO ANG
Ang Thought Ko
RandomMga nakakabaliw na thought or opinyon ko sa mga bagay-bagay at kung anu-anong chika.chika...