Eksena sa Jeepney
Kelan ba ang huling sakay ko sa jeep? Kung iisipin, tatlong buwan na ang huli. Simula kasi ng umuwi ako sa province nawala na ang social life ko. Hindi na ako si Dora na gala ng gala. Hindi na ako nangingitim dahil sa paglalakad sa kalye kahit katanghaliang-tapat. Sabi nga ng pinsan ko, namuti na daw ako dito kumpara noong nasa Laguna ako. Puro gala kasi ako doon at laging nasakay ng jeep.
Noong nasa Laguna pa ako, andami kong experiences sa jeep. Ikukwento ko mamaya.
Everytime na sumasakay ako ng jeep, mas gusto ko sa malapit sa driver. Malituhin kasi ako sa direction at para marinig agad ni Manong pag sumigaw na ako ng wagas kong "Sa tabi lang po!", "Paraaa!"
Dati naman mag-isa lang ako.
Tapos may sumakay na magsyota. Saktong magpapaabot ako ng bayad ng mangulangot ako. Ang ending sila na ang nag-abot ng bayad. Ayaw yata nilang mabahiran ng na-cultivate kong yellow gold ang kanilang kamay. Hehe! Grabe! Pahiyang-pahiya ako that time.
Nakakainis nga lang minsan iyon pag magpapaabot ka ng bayad eh parang mag bibingi-bingihan ang lahat. Parang may nagawa ka sa kanilang napakasamang bagay o kaya unforgiveable sin sa kanila! Nakakaasar iyong ganun. Iyong parang nagmamakaawa kang iabot iyong bayad mo. Kulang na lamang ay manikluhod ka. Para kasi sa akin, pag sumakay ka ng jeep ay makabayan mong tungkulin na iabot ang sukli at bayad ng kapwa pasahero mo. Iyong iba kasi lalo na mga babae ang aarte. Akala nila, madumi kamay mo na ayaw kang madaitan man lang.
Heto, ilan lang ito sa mga kinaiinisan ko kapag sumasakay ako ng jeep:1. Nagliliparang buhok. Nakakain mo na literally.
2. Biglang pagpreno ng driver.
3. Muntik ka ng matumba dahil biglang umandar agad iyong jeep nang bababa o sasakay ka pa lang.
4. Pagpasok mo puno na pala. Pagtitinginan ka ng pasahero.5. Mabahong kilikili ng katabi mo.
6. Maingay na grupo na akala mo ay kanila ang jeep.
7. PDA na magsyota.
8. Malakas na hangin. Nasira na ang style ng buhok mo.
9. Nauntog ka pagsakay.
10. At nauntog ka ulit pagbaba.
DOUBLE KILL!
Dati naman, nagmamadali ako sa pagsakay kasi male-late na ako sa trabaho. Nakakita ako ng nakatigil na jeep tapos diretso sakay na agad ako. Iyon pala, arkilado iyong jeep. Kinapalan ko na lang mukha ko. Sabi ko dadaan din naman sila sa pupuntahan ko. Pahatid na lang kasi nagmamadali ako. Ako pa ang nag-utos talaga?! Pero pahiya na naman ako noon.
Naalala ko rin na naging sikat iyong picture ng babae sa Facebook na nakasabit sa jeep. Nakakalungkot lang na parang nauubos na yata ang gentlemen sa mundo ngayon. Ang GENTLEMAN hindi lang iyan sinasayaw, inuugali rin iyan! Tsk! Galit na ako!
Hays, nakakatuwang isipin na sa simpleng pagsakay mo sa jeep ay marami kang eksenang makikita. May nakakatuwa at may nakakabwisit! Pero kahit ano man iyan, wag kang mag-alala dahil panandalian lang iyan. Dahil mamaya, sisigaw ka na ng "Para po!"
"Aray! Nauntog ako! Busheeet!!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Thought Ko
RandomMga nakakabaliw na thought or opinyon ko sa mga bagay-bagay at kung anu-anong chika.chika...