3. Family

12 1 0
                                    

"Where's your assignment, Mr. Tirso?" Sabi nung teacher na parang ewan. As if naman gagawa ako ng assignment niya. Lul.

"Wala." I simply said. Ayaw kong pahaba habain pa.

"I'm expecting much from you." Sabi ni teacher na binulong niya lang sakin. Pero hindi yung bulong na sa mismong tenga ko lang sinabi.

"May i go out?" Sabi ko. Sermon na naman kasi. Sawang sawa na ang tenga ko diyan.

Napatingin naman ako kay Kendra na tumingin rin sakin. Hindi niya ako inirapan pero iba yung naramdaman ko sa tingin niya.

Hindi ko na lang yun pinansin kasi tumingin naman ulit siya sa libro niya sa harapan niya.

Kahit hindi tumango ang teacher, lumabas pa rin ako. Wala akong pakialam sa kanya. Gusto ko lang lumabas at mapag isa. Grabe boring na ako dito.

Naglakad lakad lang ako sa may likod ng school. Dala ko na rin ang bag ko. Kaya anytime, kung matipuhan ko, uuwi na ako.

Umupo na lang muna ako sa may paanan ng isang puno dito sa likod ng school. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang sarap matulog dito.

/Tell me what you did to me,

Just underneath feet

Didn't even notice we were miles above the ground

I'm not afraid of heights

We crashed into the sky/

Fck! Bakit nga pala yun ang kinakanta ko. Ang weird ang pangit!

"Makaalis na nga dito!" Tumayo ako. Nag iba kasi ang atmosphere, ewan ko. Sumakit yung tiyan ko. Hindi naman call of nature to eh.

Pagtayo ko, nakita ko si Kendra.

Nakatingin lang siya sakin. Nakatitig sa mga mata ko.

Yung nga matang iyon, nakakatunaw ang tingin niya. Hindi ko alam.

Bigla na namang sumakit ang tiyan ko. Tama ba itong nararamdaman ko. Hindi pwede ito. Hindi pwede.

Sa isang katulad ni Kendra Anne Martins? Hindi. Bawal.

Nakatitig pa rin siya sakin. Tapos umalis na rin pagkatapos ng mahigit limang minuto.

Sinipa ko ang bato sa harapan ko.

"Sht, badtrip!" Sabi ko.

Umuwi na lang ako sa bahay. Wala naman akong mapapala dun sa eskwelahan na yon! Nakakainis.

"Oh, Ivo anak. Kumain ka na dito." Sabi ni Daddy.

Oo nga pala. Si Papa Ivo Tirso IV. Mayaman kami, pero may kulang sa amin. May Tirso enterprises kami. Company siya ng mga products.

Kung kapatid, wala akong kapatid. Mag isa lang ako. Kaya sobra sobrang parusa na ito.

"Naghain na ako ng carbonara, itong paborito mo anak." Sabi ni Tita Mendy.

Oo, anak ang tawag niya sakin pero Tita ang tawag ko sa kanya. Kasi hindi ko siya totoong ina. Pinangasawa lang siya ni Daddy noong iniwan kami ni mommy. Nung una nga ayaw ko pero wala naman akong choice.

Kaya nga ako ganito, nagrerebelde ako kasi naiinis ako sa buhay pamilya ko ngayon. Itong mga salu-salong ito, wala na itong halaga!!

"Respetuhin mo naman ang Tita Mendy mo anak." Hindi ko pinansin si Daddy at nagdirediretso ako sa kwarto ko.

Habang paakyat ako sa hagdan nagsalita ako.

"Kung gusto niyo, lamunin niyo lahat yan. Ayoko niyan!" Sabi ko.

Galit ako sa mundo! Galit ako sa pamilya ko!!

Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto ko. Humiga na lang ako sa kama ko. At natulog.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon