27. College

6 0 0
                                    

"Hey, i'm Ivo Tirso V." Pagkapasok ko sa dormitory yan agad ang sinabi ko. Tatlo kami dito sa iisang room.

"Hi. I'm Bob Tan." Nakipag shake siya ng hands sakin.

"Yeah, half chinese bro." Sabi niya. Tumango tango naman ako.

"And over there, cousin ko siya, Champ Tan." Nakita ko yung lalaki sa higaan niya na nakatalikod at nakaheadphones.

"Don't mind him, ganyan lang talaga. Hindi hospitable." Tumawa sakin si Bob.

Oo nga pala, pasukan na namin. Bukas ang first day namin sa college. Nakapag usap naman kami ni Kendra, ayos lang naman siya. Basta wala na akong dapat alalahanin.

So ayun, parang high school lang naman ang college pero lumevel up. Hindi ko na kailangan pang ikwento pa isa isa ang mga nangyayari sa college life ko dito, wala namang pinagbago. I mean, meron. Wala na yung dating tropa ko.

Sa mga nakaraang buwan, nakilala ko ng husto ang mga kasama ko sa room. Si Bob, reader siya ng comic books. Kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos, comic books lang ang katapat niya. Si Champ, headphones naman ang laging nasa tenga.

Minsan nga hindi ko na sila nakakausap nang matino kasi engrossed sila sa kung ano ang ginagawa nila.

Okay naman ang buhay ko dito kahit papaano, nakakasurvive pa naman. Paminsan minsan, lumalabas kami ng mga bugok kong roommates kahit papaano.

One time nga, nung lumabas kami para kumain.

"Bro, ano gusto niyo?" Tanong ko sa kanila.

Pero wala, nakatutok sa comic book at yung isa naman may headphones. Kaya hindi na ako nagpumilit na tanungin sila, inorder ko na lang yung para sakin at ginaya ko sakanila. Wala naman akong magagawa.

Habang kumakain, pasulyap sulyap pa si Bob sa comic book niya. Si Champ, sa headphone niya nakatuon.

"Ganyan ba talaga kayong magpinsan?" Sabi ko. Medyo naiirita na rin kasi ako.

Tumango lang si Bob. Si Bob, medyo okay pa kasi nakikipag communicate kahit paminsan minsan eh etong si Champ, hindi talaga. Panis na ata laway nito.

Pagkatapos namin kumain non, umuwi na lang kami sa dorm kasi wala naman akong magagawa sakanila.

Kapag gabi, before ako matulog, naglalaan ako ng time para isipin si Kendra. No green thoughts, kapag namimiss ko lang siya. Tsaka bago ako gumawa ng homework tinatawag ko ang spirit ni Kendra para tulungan ako, pero walang biro effective siya. Hahaha

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon