17. Bonfire

17 0 0
                                    

Umuwi na yung mga bata kasi gabi na. Hindi naman kami pwedeng umuwi ngayon kasi gabi na at malayu-layo rin ito sa kabihasnan. Nag set up lang kami ng tent dito sa labas.

Dun nga dapat kami sa loob ng school pero mas gusto namin dito, mapresko at may bonfire pa. Speaking of bonfire, andito kami ngayon nakaupo sa harap ng bonfire.

"Haaay! Busog!" Sabi ni Rafael.

"Takte bro! Kelan ka pa nabusog?" Sabi ni Jo. Napatawa naman kaming lahat.

Ang ganda ng langit. Tanging bonfirw lang ang ilaw namin dito kaya naman kitang kita ang mga stars sa langit.

"Maghanap kayo ng orange na star." Sabi ko. May nakita kasi ako, parang orange na kumikinang kinang.

"Wow bro may ganyan pala. Sige hanap nga kayo ng pink na star." Sabi ni Eman. Nagpapaka epal na naman itong nerd na ito eh.

"Seryoso kasi! Meron naman talaga." Depensa ko. Ako, nakatingin sa langit. Tinignan ko si Kendra na tumitingin rin sa langit.

"Ayun oh!" Sabi ni Kendra. Tinignan ko naman ang direksyon na tinuturo niya.

"Tama k--" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"SHOOTING STAR!!!" Sabi naming lahat.

"Wish tayo!" Nag wish naman ako.

Syempre ang wish ko, sana mapansin ako ni Kendra. Kaya kong maghintay para sakanya. At habang naghihintay ako, sana dito lang siya lagi sa tabi ko.

"Pasalamat kayo sakin." Sabi ko.

"Bakit naman?" Sabi ni Rafael.

"Eh kasi nagpahanap ako ng orange na star. Yan tuloy nakakita tayo ng shooting star." Ngumiti naman ako sa kanila.

Minutes of silence. Walang nagsalita.

"Open talk?" Sabi ni Kiara.

"Sino unang magsalita?" Sabi ko. Wala namang nagresponse sa akin.

"Sige ako na lang." Sabi ko. "Alam niyo namang lahat ang nararamdaman ko diba? K, maghihintay ako. Sa tamang panahon. Basta ba lagi ka lang diyan sa tabi ko." Sabi ko.

"Cheesy naman pre!" Tukso sakin nila Jo.

Ngumiti lang ako. Si Kendra naman, parang hindi mapakali at parang may gustong sabihin.

"Wag ka muna magsalita ngayon. Kaya ko namang maghintay. Kapag ready na tayong lahat." Sabi ko at pinigilan siyang magsalita.

"Akala ko ba open talk ito?" Sabi ko. Napatawa naman sila.

Ayaw ko lang kasi marinig ang sasabihin niya. Hindi pa ako ready. Paano kung hindi pala ako ang mahal niya? Siguro nga hindi pa ako ready masaktan.

"Handa naman akong maghintay eh." Sabi ko at tumingin kay Kendra. "Sino na susunod na magsasalita?" Sabi ko.

Nagtaas ng kamay si Kiara.

"May gusto lang sana akong ipagtapat." Sabi ni Kiara. "Na may isa dito na mahal ko pero masyadong manhid para maramdaman ito." Nakita kong tumayo si Jo.

Naglakad itong palayo.

"Jo!" Sigaw ni kiara. Teka anong nangyayari? Why am i so confused?

"JO! Wag namang ganyan! Sa lahat ng mga sinakripisyo ko sayo? Ito ang igaganti mo sakin? Oo alam ko may mahal kang iba? Peri pwede pakibukas naman ng puso mo sa iba dahil yang mahal mo, walang pakialam sayo!!!" Umiyak na si Kiara. Umalis na rin siya at tumakbo sa tent niya. Si Jo naman, naglakad palayo.

Hinawakan ko ang kamay ni Kendra.

"Hatid na kita sa tent mo?" Tumango na lang siya sakin.

Nakakapagod itong araw na ito pero fulfilled naman ako. Hindi ko man nalaman kung may nararamdaman para sa akin masaya ako dahil nakatulong ako dito. Syempre little bit worried sa kaibigan kong si Jo. Hindi ko man alam ang totoong nangyari, andito lang ako para sa barkada.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon