36. Reunion

8 0 0
                                    

Ilang tao na rin ang nagdaan. 25 years old na ako, walang asawa at nag mamay ari ng isang school with 2 branches.

Nagtuturo rin ako sa mga bata ng subject na Values Education.

Masaya ako sa life ko ngayon. Kung ano meron ako ngayon, lalo na itong mga estudyante ko. Feeling ko hindi ako nag iisa sa laban ng buhay ko kasama ang mga mumunting mga batang ito. Sila lagi ang nagpapasigla ng araw araw ko.

Pero hindi ko maipagkakaila na may kulang pa rin eh, pero napupunan iyon ng mga bata kahit papaano.

May reunion kami ngayon. Spring break na naman kasi eh kaya nagsiuwian ang tropa.

Pagkarating ko sa event center, nahagilap ko agad ang tropa. Pinuntahan ko sila at nakipag kamay. Hanggang dito ba naman may kulang. Pero hindi ko na tinanong iyon.

"Musta ang teacher?" Sabi ni Eman.

"Eto ayos naman, eh ikaw?" Sabi ko.

"Eto, fresh grad. Para akong binaon sa lupa ng buhay! Ang hirap ng medicine!!" Sabi ni Eman.

"Doctor Eman!" Tapos tumawa kami. Masaya ako at lahat kami successful.

"Oh ikaw kiara?" Tanong namin. Mas gumanda si Kiara at more fashionable.

"Interior designer. Naiinis ako sainyo! Hindi man lang kayo tumatawag sakin para magpadesign ng mga bahay niyo!"

"Sige, ako. Tatawagan kita." Sabi ko. Nagpapatayo kasi ako ng bagong bahay. Bahay na nagpapaalala sakin sa babaeng mahal ko.

"Ako, hindi niyo na tatanungin kasi isa na akong mechanical engineer! Nag tatrabaho ako sa mga mall, ako ang nagsusupervise." Sabi ni Jo.

"Ang yabang mo pa rin!" Sabi ni Kiara.

"Mayaman ka na pala." Sabi ko naman.

"Eh si pig?" Tapos tumawa kaming lahat. Namiss ko itong asaran namin.

"Agriculture. Ganun, sa farm. May hacienda na ako. Bisita naman kayo minsan." Sabi ni Rafael.

"Oo naman!" Sabay sabay kaming nagsalita.

"Teka teka, may kulang. Nasan ang ever ganda kong bestfriend?" Tanong ni Kiara.

Wala nga nag oopen up ng topic binuksan naman niya.

"Ahh. Eh, ano. Nakausap ko kanina si K. May inabot siya sakin." Sabi ni Eman at inabot niya samin ang puting envelope.

Binuksan namin.

To: Eman, Jo, Rafael and Kiara.

We would be glad if you'll celebrate this most important event in our life with us.

At may mga nakalagay yung mga sponsor tapos yung mga bridesmaid, maid of honor and such.

Ang pinagtataka ko, bakit wala ang name ko? Hindi ba ako invited? Ganun na ba niya ako kinalimutan? At bakit walang nakalagay kung sino yung groom?

Ayoko sanang umasa eh. Pero itong imbitasyon nagbibigay ng motibo.

"P.S." sabi ni Eman na binasa niya sa likod ng envelope.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon