28. Phone call

6 0 0
                                    

Dito kasi, pag weekdays bawal ang phone. Kahit sa loob ng room namin. Kailangan namin isurrender sa office at kukunin lang namin yun pag weekdays.

Pero may payphone na libre sa baba. Pero kailangang pumila ng pagkahaba haba. Nakakainis na nga eh, pero ayos lang. Basta makausap ko si Kendra, ayos na sakin lahat yun.

Tatlong tao na lang, ako na ang sunod. Nagdala na nga rin ako ng comic book na hiniram ko kay Bob kasi mabobored na naman ako dito kahihintay sa pagtawag sa payphone. Ang dami pa namang pumipila dito.

Yes! 2 na lang then it's my turn. Sinarado ko na yung comic book na binabasa ko at maghihintay na lang ako.

Pagkatapos nung isa, turn ko na. Dinial ko na agad yung telephone number ni Kendra.

Krrriiiinnnnggg

"Hello, Kendra." Sabi ko.

/Oh, Hello./

"Musta ka naman?" Sabi ko. Sayang nga eh, hindi kasi dito dapat lumampas sa twenty minutes.

/Ayos lang, eto, nagsusuklay./

Lahat talaga ng ginagawa niya, sinasabi niya sa akin. Good thing wala siyang linilihim. Bad thing, hindi kami. Walang Kami.

"Yayayain lang sana kita." Sabi ko.

/Oh, san ba?/

"Sa park, sa dati." Napangiti naman ako dahil naalala ko yung mga memories naming magbabarkada sun sa park na iyon.

/Ah, dun ulit? Sige ba. Kasama sila?/

Yung sila, kilala ko na kung sino yung tinutukoy niya. Syempre yung tropa.

"Hindi eh, alam mo namang tayo na lang ang naiwan dito sa lugar natin." Oo kasi sila Eman at Kiara, nasa ibang bansa na. Si Rafael, sa probinsya. Si Jo, uh-oh.

/Si Jo? Diba malapit lang siya dito?/

Sabi ko na nga ba. Sinasabi pa lang niya ang pangalang Jo, nagseselos na ako.

"Ahh. Ehh, ewan?" Yun na lang ang nasabi ko.

/S-sige. Kelan ba yan?/

"Bukas."

/Sige, Saturday naman bukas. Text ka na lang./

"Sige."

/Bye, goodnight./

Then she hung up. Ibinaba ko na rin yung phone at bumalik na sa room namin.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon