12. Night with you

13 0 0
                                    

Matapos nung confession naming magbabarkada, nag sorry ako sakanila at nag sorry rin sila sakin. Pero ang mas nakakatuwa sa lahat eh sakin nila ipinaubaya ang lahat ng nararamdaman nila para kay Kendra.

Kakalimutan raw nila ang feelings nila para sakin. Para ako na lang daw ang magmahal kay Kendra dahil ako ang nakakalamang sa lahat.

Nandito ako ngayon sa room namin, 6;00 pm. Magkasama ni Kendra at nag aaral. Umuulan nang malakas.

"Kendra," kanina ko pa siya tinatawag pero hindi niya ako linilingon. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o ayaw niya lang talaga mamansin. O baka busy lang siya sa pag aaral?

"Sige, mag aaral na lang ako." Sabi ko at itinuon ang pansin sa libro.

Ilang minutes na rin kaming nag aaral. Ako nga kumakain habang nag aaral.

Time check

7;45 pm

Lumalalim na ang gabi pero nag aaral pa rin si Kendra.

Wala atang planong umuwi? Gusto ata nito dito na matulog eh.

"Kendra. Hindi ka ba uuwi?" Sabi ko. Ubos na rin ang pagkain ko at gutom na ako.

Hindi pa rin siya umiimik. Wala na ata akong magagawa.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo.

At tuluyan na akong umalis sa school. Pumunta ako sa pinakamalapit na barber shop.

"Pakalbo po!" Sabi ko. Tumango naman ang barbero at nagsimula nang gupitan ako.

After kong gupitan, bumalik na ako sa room. Alam kong mamamatay na yun si Kendra. Mamamatay sa takot. Kasi nga diba yung ghosts? Sa kabilang room lang namin yon.

Pagkatungtong ko sa room, nakatungo lang siya at pinagsusuntok ako sa dibdib ko.

Pinigilan ko siya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Sinusuntok pa rin niya ako pero napigilan ko siya at nang napagod na siya eh, sumandal naman siya sa dibdib ko.

"Wag mo naman akong iwan!" Umiiyak siya. Yinakap ko na lang siya.

Alam kong matinding takot ang nararamdaman niya ngayon. Napapaiyak siya sa takot pero i'm proud of her. Dahil sa loob ng 30 minutes, nakaya niyang mag isa sa creepy room na ito.

"Wag mo akong iiwan." Paulit ulit niyang sabi habang umiiyak siya at nakayakap pa rin siya sakin.

"Sshh. Tahan na." Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at itinapat sa akin.

Nabigla siya sa akin.

Hinawakan pa niya ang ulo ko na wala ng buhok. Napangiti naman siya.

"Bakit?" Sabi niya habang hinihimas himas ang ulo ko. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya.

Kasi mahal kita. Yan ang dahilan.

"Kasi ikaw pa rin naman ang panalo kahit anong gawin ko." Sabi ko. Nahalata kong kumunot ang noo niya.

Ang ganda niya pa rin. Gusto ko sanang kiligin kaso..

"Kasi ikaw ang number 1 na panalo dito." Itinuro ko pa ang left chest ko kung saan ang puso ko. "Kasi ikaw ang panalo sa buhay ko." Nginitian ko siya. Nung una, nalito siya pero nginitian niya rin naman ako.

Yinakap naman niya ako.

Sobrang natutuwa ako. Kasi kahit hindi man niya sabihin na mahal niya ako, basta ba't lagi siyang andito para sakin.

Ngayon kinikilig na ako.

"Kasi mahal kita." Sabi ko. Ngumiti naman ako sa sinabi ko.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon