26. Bon Voyage friends

7 0 0
                                    

Napag usapan namin ni Kendra na sa isang university na lang siya kung saan siya nakapasa na dun na lang siya papasok. At ako, papasok ako sa pinakamalapit na univeristy kay Kendra na all boys university ako papasok. Ito ang naging napag usapan namin,

"Kendra, diba, diba may napagpasahan kang magandang university. Pwedeng dun ka na lang." Sabi ko.

"Ahh, ehh. Ikaw? Saan ka papasok?" Sabi niya na hindi mapakali.

"Basta ako na ang bahala."

"Ah. Sige." Sabi niya.

At yun na nga, pinuntahan namin yung university kung saan siya nakapasa. Nag dormitory na lang siya doon. Habang nandun siya sa university, naghanap ako ng malapit dun sa school na yun. At nakahanap nga ako ng all boys university. Okay na rin yun, basta malapit kay Kendra. Mga 5 kilometers. Yun ang pinakamalapit na school sa school ni Kendra.

Kasalukuyan, nag aayos na ako ng gamit papunta doon sa dormitory ng university na papasukan ko.

Nag usap usap rin kaming tropa na magkita muna bago umalis. Iba iba rin kasi ang university na papasukan namin. Si Kiara, kukunin sa ibang bansa ng Tita niya at mag aaral ng Interior Design. Si Eman ganun rin, sa ibang bansa rin at magtetake ng Medicine. Si Jo, dito lang sa malapit sa country at magtitake ng Mechanical Engineering. Si Rafael, sa probinsya at mag aaral ng Agriculture. Linoko ko nga eh dapat kako Culinary. Si Kendra, gusto niya maging tour guide or flight attendant basta Tourism. Ako, kinuha ko pastor. De joke, Psychology ang course na kinuha ko.

Nagkita kita kami ngayon ng tropa sa park na lagi naming pinupuntahan at tinatambayan.

"Kiara," yinakap ko si Kiara na umiiyak.

"Rafael, Eman." Nakipag kamay ako sa kanila.

"Jo." At nakipag kamay rin ako.

"Mami-miss ko kayong lahat." Nagsimula ng tumulo ang luha ko.

Itong mga kaibigan ko kasing ito, masyado ng napalapit sa akin. At dahil wala akong kapatid, sila na ang tinuring kong kapatid. Sobrang nalulungkot akong ngayon, magkakahiwahiwalay na kaming lahat.

"Syempre si Kendra, lagi ko siyang kakamustahin." Sabi ko at inakbayan si Kendra.

"Malamang, pinakamalapit na school ang pinili mo para lang sakanya eh." Sabi ni Kiara. Nagkatawanan naman kaming lahat.

"Bro, ingatan mo si Kendra." Sabi ni Jo at bigla na lang siyang umalis.

Tinuring ko tuloy na nagkalamat na ang friendship namin dahil nagmahal kami sa iisang babae.

Pinisil ni Kendra ang kamay ko kaya napangiti naman ako.

"Sige, baka malate na ako sa flight." Sabi ji Kiara at hinug si Kendra at kiniss sa cheeks. Pati kaming lahat, yinakap niya.

"Ingat kayong lahat! We'll keep in touch okay?" Sabi ni Kiara na umalis na.

Umalis na rin sila Eman at Rafael dahil may flight din sila. Nagpaalam na silang lahat.

Kaming dalawa na lang ni Kendra ang naiwan.

"So i guess, we'll bid goodbye too?" Sabi ni Kendra na nakangiti.

Wag kang ganyan please.

Mas lalo akong nahuhulog para sayo.

"No!" Sabi ko.

"Oh, bakit?" Sabi niya.

"Kasi hindi naman tayo maghihiwalay ng landas." Sabi ko.

Never Kendra. Ayoko, if possible, hindi kita papakawalan. I'll be your Superhuman.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon