13. Review

14 0 0
                                    

Mamayang 3;00 pm ang final exam namin. Maaga akong nagising para mag aral. Kahit kalbo na ako, gusto ko pa ring ipagpatuloy ang pag aral ko ng mabuti para naman ito kay Kendra. Para sa taong mahal ko.

Gumaan ang pakiramdam ko nang naisabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Hindi man ako nakatanggap ng response, malay mo someday.

Incoming Call

Kendra....

Sinagot ko ang call niya. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Hello? Good Morning!" Pambungad ko sa kanya.

"Oh, dapat nag aaral ka ngayon." Sabi ko.

"Ganun ba?" Sabi ko.

"Gusto mo talaga?" Sabi ko.

"Sige, i'm on my way." Sabi ko at ibinaba na ang phone. Nagbihis na ako. Hindi na ako nagpaalam kanila Daddy.

Pagkarating ko sa meeting place namin ni Kendra, nakita ko siya dun nakaupo sa may bench at hawak ang white rose.

"Ang ganda niyan ah." Sabi ko sakanya.

Pero ibig kong sabihin, ang maganda eh siya.

"Oh, diyan ka na pala." Napansin niya ata na tinititigan ko ang white rose na hawak niya.

"Ah, ito? Nagpapatubo ako nito sa bahay." Sabi niya.

"Let's go?" Yinaya na niya ako at naglakad lakad kami. Ang destination namin? Sa may park malapit sa bay.

"Nagdala ako ng mga libro at notebook na pwede natin pag aralan." Linabas niya ang mat sa bag niya at inilapag iyon sa grass.

Tinulungan ko naman siya.

"Bili lang ako ng mga pagkain." Sabi ko. Tumango naman siya sakin. Tumakbo ako sa pinakamalapit na grocery store at namili ng finger foods.

Bumalik rin naman agad ako pero nang mahagilap ko ang mamang nagtitinda ng isaw, hindi ako nag dalawang isip na bumili nun.

Bumalik na ako sa pwesto namin at linahad ko ang finger foods. Tinago ko nga muna yung isaw eh.

"May surprise ako sayo." Sabi ko nang nakangiti.

"Ano?" Sabi niya.

"Gusto ko, pumikit ka muna!" Sabi ko na parang baby na nagpapaamo sa mommy.

"Sige." Sabi niya at pinikit niya ang mga mata niya. Ngumiti naman siya.

Napatitig ako sa kanya. Ang ganda niya. Grabe.

5 minutes.

"Oy, ang tagal naman ata." Nahimasmasan ako nang nagsalita siya. Nakalimutan ko nga pala yung surprise ko sakanya. Masyado mo talaga akong nadidistract, Kendra. Lumalalim na ito.

Pinahawak ko sakanya ang plastic na may isaw sa loob. Pina guess ko sakanya kung ano ang laman noon.

"ISAW!!!!!!" Agad naman niyang binuka ang mata niya at kumuha ng isaw at idinutdot agad sa suka at kumain.

"Takaw mo sa isaw!!!" I pinched her cheeks dahil sobrang nanggigil ako sakanya.

Ngumiti lang siya.

"Mag-aral na tayo habang kumakain!" Sabi niya.

"Ayoko, gusto ko titigan lang kita." Ay! Padalus dalos ang bibig ko. Na patungo tuloy ako sa hiya.

Ngumiti lang siya at nagbuklat ng libro. Ginawa ko rin yon. Pero minute by minute, chinicheck ko siya.

Nag aral lang kami hanggang 2;30 pm. At nung pagkatapos namin mag aral, dumiretso na kami sa school para sa final exam namin.

Ito na!

This is the moment of truth. College na kami. Madali na.

Pero may sumagi sa isip ko.

Magkasama pa rin kaya kami ni Kendra sa college?

Nag alala ako sa thought na yun. Pero pinabayaan ko rin agad. Nakafocus lang ako sa exam.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon