20. Paper plane

20 0 0
                                    

Weekend.

Niyaya ko si Kendra na kumain ng isaw sa stalls sa may park na kagi naming pinupuntahan.

"On the way ka na ba?" Sabi ko, kausap ko siya sa phone. Thirty minutes na kasi siyang late.

"Sige sige. Ingat ka." Ibinaba ko na yung phone pagkatapos siyang kausapin.

Tumingin tingin naman ako sa paligid ko. Naghahanap ako ng white roses pero wala akong makita eh. Gustong gusto pa naman iyon ni Kendra.

"Uy!" Bigla na lang sumulpot si Kendra.

"Ang tagal mo naman!" Sabi ko pero syempre hindi naman ako galit sakanya. Konting tampo lang. .

"Tara bili na tayo ng isaw!!" Sabi niya. Excited much?

Habang nagdudutdot siya sa suka, may nakita akong babae na may hawak na white rose, pero isa lang yon.

Linapitan ko siya. Tinanong ko kung san makakabili ng rosas pero parang hindi sa akin nakatuon ang pansin niya.

"FIFTH!" Tawag sa akin ni Kendra. Napalingon naman ako sa kanya.

Napatigil siya.

Linapitan ko siya.

"Tara, dun tayo sa ibang lugar." Sabi niya at hinigit ako sa ibang parte ng park.

May kinalkal siya sa bag niya. Papel.

"Bakit may papel ka pa rin? Wala na kayang lessons. Tapos na ang final exam." Tanong ko.

"Gusto ko ng paper plane." Sabi niya.

Napatitig naman ako sa kanya. Para siyang inosenteng bata na nagpapaturo sa tatay niya.

"Ganito yan." Kinuha ko yung papel niya.

Gumawa ako ng isang paper plane. Ipinakita ko iyon sa kanya at namangha naman siya. Kumuha pa siya ng dalawang papel.

Sinundan niya lang akong gumawa. Nakagawa naman siya pero hindi gaanong kaganda.

Binigyan niya ako ng lapis.

"Lagay natin dito ang wish natin at ipalipad natin pagkatapos!" Sabi niya. Sinunod ko naman iyon.

Ilinagay ko ang kagi kong wish. Yung tungkol sa kanya. Gusto ko nga tingnan yung sa kanya pero ayaw niyang ipakita sa akin.

"Someday, maisasabi ko rin." Sabi niya at ngumiti siya.

"Hindi man ito maganda, ang nasa loob naman nito, may lamang maganda. Yung wish ko." Sabi niya. Ipinalipad na niya iyon. Ipinalipad ko na din yung akin.

Ang layo ng narating ng mga paper plane namin.

"Sa langit ang destinasyon niya. Papunta sa May Likha. Sana mabasa niya iyon at bigyan niya ako ng lakas ng loob." Sabi niya. Bit confused pero na stuck ang mata ko sa mukha niya.

Ang ganda niya.

"San ka pala magco-college?" Tanong naman niya.

"Kung saan ka magco-college." Simpleng sagot ko.

Tumingin siya sakin at napangiti. Mas lalo akong nahuhulog sa babaeng ito. Para bang gusto ko ng malaman ang nararamdaman niya, pero hindi. Hindi niya kailangan magmadali.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon