33. They love her

5 0 0
                                    

1 year, wala akong narinig mula kay Kendra. Ni hindi na siya tumatawag sa akin. Lahat ng calls ko hindi na niya sinasagot.

Tapos na ang 3rd year college at next year graduate na kami. Parang kailan lang ano? Spring break na rin namin ngayon.

RRIIINNNNGGGG

Kinuha ko ang phone ko at sinagot.

"Hello?"

/Hello, Fifth! Si Kiara ito, kamusta na?/

Mabuti pa si Kiara, alam kung paano magparamdam. Si Kendra hindi. Siguro itinanim na niya ng galit sakin sa puso niya. Simula nung event na yun, kinalimutan na niya ang friendship namin.

"Eto ayos lang naman." 1 year na pagsisinungaling. Yan lang naman ang lagi kong sinasabi pag may nagtatanong kung okay lang ba ako. Deep inside, i'm really not okay.

/Kamusta na ang tropa?/

"Ay-"

Tut tut tut tut tut

Ay bastos na bata. Siguro pawala wala ang signal or something ewan. Wala naman akong masyadong pakialam na sa tropa. Itinuon ko ang buong pansin ko sa pag aaral.

RRRRIIIINNNNGGG

"Hello Kiara, ba't binaba mo?" Sabi ko.

/Hindi to si Kiara./

Ha? Eh sino to? Kidnapper? Baka naman kinidnap si kiara kaya binaba niya yung call kanina. Aaah! Paranoid.

"Eh sino ka?" Tanong ko.

/Si Jo to. Magkita tayo, labas ng dorm mo, now na./

Tapos binaba na niya agad yung call. At dahil na rin nacurious ako, agad akong nagbihis at bumaba na. Nakita ko naman agad si Jo. Naka black coat at nakaangkas sa motorbike niya.

"Musta pre?" Sabi ko at nagside hug kami.

"Eto, may sakit sa puso." Nabigla ako.

"HA! MAY TANING KA NA? HANGGANG KELAN?" Sabi ko.

"Bobo, broken hearted!" Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Sus, ikaw? Pero kanino?" Sabi ko.

"Samahan mo na lang ako." Hindi na ako nakapagsalita dahil binigyan na niya ako ng helmet. Umangkas na lang ako sa kanya.

Tumigil kami sa isang coffee shop.

"Anong ginagawa natin dito? Magkakape?" Sabi ko.

May tinuro lang siya at sinundan ko ang turo niya. Nahulog ko pa ang helmet pagkakita ko non.

Si Kendra,

Kasama si Rafael.

Kaya ba hindi nagpaparamdam sakin si Kendra dahil sila na ni Rafael? Bakit ganun? Ako yung naghirap ng 3 taon tapos kay Raf lang mapupunta? Ang sakit. Parang may bumubugbog sa puso ko. Gusto ko silang sugurin at suntukin sa mukha si Rafael pero hindi kayang gumalaw ng paa ko. May tumulong luha na rin mula sa mata ko. Traydor! Parehas kayo ng mata ko, traydor!!

Nung nakita naming palabas na sila, pinaangkas na ako ni Jo sa motorbike at umalis. Pero for one last look, tinignan ko sila. Magkahawak sila ng kamay habang tumatawid sa may pedestrian lane.

Sana pala hindi na lang ako lumingon.

Tumigil ulit ang motorbike sa harap ng bay. Walang masyadong taong dumadaan dito.

Umalis na ako sa motorbike at inabot ang helmet kay Jo pero..

BOOGSH

Isang malupit na suntok ang natanggap ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa bwelo ni Jo.

"Ikaw p-tang ina ka! Anong katarantaduhan ang ginawa mo may Kendra para mapunta siya sa ahas na baboy na yun!? SUMAGOT KA!" Sabi sakin ni Jo. Nakaupo pa rin ako hanggang ngayon.

Mas lalo akong nafroze with the way Jo acted. So all these time akala ko ako na lang ang nagmamahal kay Kendra? Akala ko lang pala yun dahil hanggang ngayon, mahal pa rin naming tatlo si Kendra at walang pinagbago.

"G-go ka! Sayo ko pinaubaya yung babaeng mahal na mahal ko tapos sa TRAYDOR NA YUN MAPUPUNTA! P-TA!" Napahilamos ng mukha si Jo at naglalakad back and front sakin. Hindi siya mapakali.

Ngayon nakaramdam ako ng pagsisisi. Konsensya. Bakit nga ba may nagawa akong mali kay Kendra? At dahil sa maling iyon, mangyayari ang lahat ng ito? Kasalanan ko ito eh, nagpakatanga ako. At sobra akong natakot. Dapat pala simula pa lang, nag take risk na akong masaktan para noon pa lang nalaman kong si Rafael pala ang gusto niya at noon pa lang, nakapag move on na kaming lahat! P-ta! Ang tanga ko! Umaasa ako, tanga! Tanga!

"Hayaan na lang natin sila." Yun na ang last na lumabas mula sa bibig ko at umalis na ako doon.

Kasi kung mahal naman nila ang isa't-isa bakit hahadlang pa kami? Kung masaya sila, hindi namin kailangang sirain yun dahil kahit papaano, mahalaga silang dalawa para samin ni Jo.

Pero aaminin ko sobrang sakit. Sobrang sakit ng puso ko kaysa sa natamo kong suntok galing kay Jo. Parang unti unting nawawala ang tibok ng puso ko.

Kendra, ikaw pala ang first love and first heartache ko. Ang sakit. Kung band aid lang ang kailangan para mawala ang sakit na ito, bibili ako kahit ilan.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon