10. Ghosts

9 0 0
                                    

Nanonood kami ng basketball nina Jo. Naglalaro kasi sila. Dapat nga kasama ako eh kaso mas gusto kong makasama si Kendra.

Nakaupo kami sa bleachers nina Kendra at Kiara. Naka open ang mga books namin. Syempre aral aral din pag may time.

"Ang galing talaga niya!!!" Sabi ni Kiara.

"Sino naman?" Sabi ko. Grabe pala talaga kiligin ang mga babae, parang kiti kiti! Hindi mapakali sa kinauupuan. Si Kendra naman, ngingiti ngiti lang.

"Yung number 16!!" Sigaw ni Kiara.

Tumingin ako sa mga jersey na naglalaro. Nakita ko yung 16 at hinintay kong lumingon.

"JO!?" Sabi ko. Yun kasi yung number 16. Nahalata pa ata ni Jo na kinikilig sakanya si Kiara kaya kumindat pa siya.

"Kaibigan ko iyon eh!" Sabi ko.

"Oo? Ano nga pangalan non? JO ba yun?" Sabi niya. Kinikilig pa din siya kaya pala kanina pa nasa page 65 yang libro niya at hindi nagagalaw.

Tumango lang ako sakanya. Tinignan ko si Kendra na busy sa pag aaral.

"JOARA! Yieeee!" Halos mabingi kami sa sigaw ni Kiara. Ampots talaga!

"Tumigil ka nga babae ka!" Sabi ni Kendra kay Kiara pero halatang hindi naman siya galit.

"Oo nga nakakaistorbo ka eh." Sabi ko. Itinuon ko naman ang mata ko sa libro.

"Uyyyy guys!" May lumapit samin na babae. Siguro classmate namin kasi nakitabi na rin eh.

"Ano yun?" Yan tama yan Kiara ikaw ang mang entertain diyan.

"Di niyo ba nalaman na may mga sinaniban sa katabing room natin?" Chismosa naman pala ito eh. Wala siyang maidudulot samin.

"Ha? Kailan?" Curious na tanong ni Kiara. Napaangat na rin naman ako ng ulo. Ingay kasi eh.

"Ngayon lang. Kaya nga umalis na ako dun eh. Grabe talaga, may mga lumilipad na students." Takot na takot ang boses nung babae. Napakapit naman sakin si Kendra.

Hinawakan ko yung kamay ni Kendra na nasa braso ko.

"Tsaka sumisigaw at sinasabing uubusin tayong lahat." Sabi nung babae. Kinilabutan kaming lahat. Lalo na si Kendra.

"Ayos ka lang?" Tinignan ko si Kendra sa mukha na nakatungo.

Tumango lang siya.

"Grabe, asan na sila ngayon?" Tanong ni Kiara.

"Andun pa rin sa katabing room natin. Yung iba nga nilipat sa room natin kasi may mga naabot na lapis at may sinaksak nga. Buti na lang sa braso lang, ayun diniretso sa ospital." Sabi nung babae.

Naramdaman kong mas humigpit pa yung kapit sa akin ni Kendra. Magsasalita pa sana yung babae kaso pinigil ko na siya.

"STOP!" Sabi ko.

Napanganga lang sila. Itinayo ko naman si Kendra na nanghihina na.

Parang tumitirik yung mata niya at kung san saan tumitingin at parang mas humigpit yung hawak niya sakin to the point na nasasaktan na ako.

Parang nababali ang buto niya.

At nahimatay siya.

Agad naman naming dinala si Kendra sa clinic.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon