8. Kendra's activities

12 0 0
                                    

Hindi ko palalampasin ang one week nang hindi ko pinapansin ni Kendra. Ang hirap naman nun. Siya na nga lang ang tumutulong sa akin eh.

"Kuya magkano po iyan?" Sabi ko sa manong na nagtitinda ng white flowers.

"250pesos lang po." Sabi nung nagtitinda. Parang bouquet na rin kasi ito at may design na kaya medyo mahal.

"Sige kunin ko na."

Binigay na sa akin nung nagtitind yung white roses. Ang bango! Ito talaga ang paborito ko kahit noon pa. Kahit sinasabi nilng pang patay ito, iba ang khilugan niyo para sakin.

Naglakad na ako papunta sa room. Nadatnan ko namang nagsusulat si Kendra sa iaang malaking notebook.

Umupo ako sa upuan ko at lumingon sa likod.

"For you. Kendra, i'm sorry." Inabot ko sa kanya yung white roses. Inamoy niya muna ito at ngumiti.

"Salamat." Sabi niya.

Ngumiti naman ako. White roses lang pala ang katapat nito eh.

"Oh, ano yan?" Sabi ko. Tinignan ko yung malaking notebook sa upuan niya.

"Ah, ito ba? Hmmm. Ibibigay ko sayo ito pag handa ka na ulit." Sabi niya sakin. Nacurious naman ako kasi sinarado niya yung notebook. Linagay niya sa ilalim ng upuan niya kasama nung rose niya.

"Kendra, sorry talaga. Sorry sa lahat. Salamat at andito ka pa rin para sa akin." Sabi ko. Ito ba ang epekto aa akin ni Kendra? Sweet at hindi na masungit? Eh suplado ako eh pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Yiieeee! Kiss na yan!! Kisss!" Panira talaga ng moment itong mga bugok na to eh. Liningon namin sila Rafael at ngumiti naman si Kendra.

Tumingin siya kanila Jo at ako naman ay nakatingin sakanya. Kahit anong angle anga ganda niya.

Lalo na ngayong ngumingiti siya.

"Uy! Ang sabi ko, handa ka na ba?" Sabi ni Kendra sa akin.

"H-ha?"

"Kanina ka pa nakatulala diyan eh." Aabi niya.

Ilang oras na ba ako nakatulala? I mean, ilang minuto? Grabe na ang epekto mo K. Grabe na. Sana naman wag itong umabot sa puntong wala na akong naitira para sa sarili ko.

"Ah, oo Kendra. Handa na akong tulungan mo ako. Sana wag ka magsawa ha?" Sabi ko.

Inabot naman niya sakin yung malaking notebook na sinusulatan niya kanina.

"Mamayang gabi, pag aralan mo iyan." Itinuro niya ang first page.

"Tapos may nga activities diyan sa bawat lesson. Kailangan mong basahin muna bago mo sagutan. Matutuwa ako kapag laging mataas ang makukuha kong tama aa mga activities diyan." Sabi niya.

"Ikaw ba gumawa nito?" Tanong ko.

Tumango lang siya.

Napangiti naman ako. Nang dumating na yung teacher namin, itinabi ko na sa ilalim ng upuan ko yung malaking notebook at nakinig sa teacher namin.

Nagulat pa nga sila kasi lagi akong nagrerecite eh.

Kendra, sana tama itong desisyong napili ko. Sana lagi kang diyan para tulungan ako.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon