5. Thank you

10 0 0
                                    

"Oh Rafael pahingi naman niyan." Sabi ko kay Raf na kumakain na naman. Sabagay break naman namin ngayon.

Binigay niya sakin ang tokneneng.

"Bro, grabe yung ginawa mo kahapon ha." Sabi ni Eman.

"Alin naman?" Sabi ko. Super focus ako sa tokneneng na binigay ni Raf.

"Yung kay Kendra." Sabi ni Jo. Ito talagang mga kaibigan ko. Super! Grabe!

"Uy, naging instant Superman siya!" Sabi ni Jo. Sige lang, insulto pa.

"Si Superman, lumilipad. Lumilipad ba ako?" Sabi ko.

"Oo, lumilipad ang puso mo papunta kay Kendra." Sabi ni Raf.

"Yieeee!" Sabay sabay sila.

Aba't!

"Tigil nga kayo!! Para kayong mga bading!" Sabi ko sakanila. Totoo naman kasi.

"Kendra! Kendra! Ken--"

Napatigil sila. Lumingon naman ako.

OH SHT!

Lintek.

Kinurot ko si Rafael kasi siya ang pinakamalapit sakin.

Pero imbes na matakot sila eh ngingiti ngiti pa. Lumayo rin sila ng konti samin ni Kendra.

"What?" Sabi ko.

Oo gusto ko magpakasuplado ngayon.

"Eh kasi. Ahh. Ihh." Hindi niya masabi.

"Ano?" Sabi ko. Sinubo ko ang last na tokneneng sa bibig ko.

"T-thank you!" Sigaw niya.

Napahawak naman ako sa tenga ko. Grabe nakakabingi ang boses niya.

"Kailangang sumigaw?" Sabi ko.

"A-ayusin mo ang pag aaral mo!" Sabi niya.

Anong nangyayari dito?

Ngumiti siya sakin bago siya umalis. Pupuntahan ko sana siya pero parang ayaw gumalaw ng paa ko?

Sobra ata akong nanghina.

Nanghina sa ngiti niya.

I'm No SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon