Galing ako sa mahirap na pamilya. Ang nanay ko ay isang katulong sa mansion ng mga Mondragon at ang tatay ko naman ay wala dahil maaga na siyang nagpahinga. Si nanay na lang ang bumubuhay sa akin buti na lang mabait ang pamilyang Mondragon kaya nakakapag-aral ako dahil sa binibigay nilang scholarship sa mga mahihirap tulad namin.
Minsan dumalaw ako sa mansion dahil kailangan nila ng tao do'n. Uuwe raw kasi ang kambal kaya nagpahanda ng magarbong salo-salo sila Don Simon at Dona Margaret.
Pangalan pa lang nila mukhang nakakatakot na pero bago naman ako tumuntong doon pinagsabihan na ako ni nanay kung anong dapat gawin at anong hindi dapat kaya alam ko na at hindi na ako matatakot.
Una kong nakita si Lauter at nakilala ko siya bilang isang kuya Lauter dahil siya ang unang dumating galing Manila. Inasikaso ko siya at dinalhan ng meryenda dahil magaan ang loob ko sa kaniya. Siguro sa mabait siya at pala kaibigan at hindi din sila matapubre tulad ng iba diyan kaya gusto ko siyang maging kuya.
Habang masaya kaming nagkukwentohan ni kuya Lauter at namamangha rin ako sa kaniya dahil magaling siyang magkwento pero dumating ang kuya niyang si Frank Lin Mondragon at nagulat na lang ako dahil galit na siya sa hindi ko alam na dahilan.
"Relax kuya. Tinatakot mo eh, " pag-aalo ni kuya Lauter kay Frank Lin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kailan ka pa natutong makipag-usap sa anak ng isang katulong Lauter?" seryosong sita niya kay kuya Lauter kaya automatic akong yumuko. Ang pangit ng ugali ni Frank Lin hindi siya tulad ni kuya Lauter.
"Kuya," maalumay na tawag sa kaniya ni kuya Lauter kaya umangat ulit ang ulo ko pero tumalikod lang siya sa amin na parang wala lang.
"Hayaan muna iyon Rana baka stress lang siguro ang kakambal ko," sabi ni kuya Lauter kaya ngumiti na lang ako bilang isang sagot.
Frank Lin is a serious guy hindi ito ngumingiti parang pasan niya ang mundo at nakakatakot siya parang isang mali mo lang sisigawan kana niya agad. Kinapa ng isang kamay ko kung saan ang puso ko dahil naramdaman kong bumilis ang pintig nito. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung kinakabahan lang ba ako sa aura ni Frank Lin na iyon dahil kabalikdaran naman kay kuya Lauter na masayahin at palangiti at maaliwalas pa ang mukha.
"Halika rito Rana," hila sa akin ni kuya Lauter at dinala ako sa labas ng bahay nila. Pina-upo niya ako sa may garden set table at ngumiti pa siya na kunwaring nag-iisip.
"Diyan ka lang Rana at babalik ako," wika niya sa akin bago mabilis na tumalikod at tumakbo papasok sa bahay nila.
"Sandali kuya Lauter?" tawag ko sa kaniya kaya huminto siya at lumapit ulit sa akin.
"Magtratrabaho pa po kasi ako baka pagalitan ako ni nanay," sabi ko at tumayo.
"Akong bahala Rana," ngiting sabi niya at iniwan na niya ako. Wala akong nagawa kundi umupo kung saan ako pinaupo ni kuya.
"Ano ba iyan ang tagal naman," bulaslas ko. Tuminga ako sa taas ng bahay dahil naramdaman kong mayro'n nagmamasid sa akin. Nagtama ang mga mata namin kaya na gulat ako at napatayo bigla. Ayan na naman ang seryosong mukha kaya napilitan akong ngumiti pero hindi naman siya gumanti ng ngiti.
"Ang bad niya," bulaslas ko ulit.
"Sinong bad?" tanong ni kuya. Hindi ko tuloy namalayan na bumalik na pala siya.
"A-E-I... Mmm, wala po kuya," utal na sagot ko.
"Ah. Sige na Rana upo kana diyan," utos ni kuya Lauter.
BINABASA MO ANG
I'm married to a Professor (BACHELOR V)
RomanceArrange marriage ang dahilan kung bakit kasal si Chrisian sa lalaking lihim na iniibig mula pagkabata nito. Walang problema sa lalake dahil naniniwala siya sa salitang LOVE IS A CHOICE and He is matured enough in terms of relationship pero may hangg...