‼️WARNING: Kung anuman po iyong mga nabanggit na laws regarding po sa school norms ay pawang imagination ko lamang. Salamat po. ‼️
Ang bilis naman ng oras at lunes na naman ngayon. Nagmadali akong pumasok sa school dahil late na ako sa unang subject namin ngayon lunes dahil galing pa kasi kami sa mansion nila at dumaritso na kami dito sa School. Humalik na lang ako sa pisngi niya at iniwan na siya doon sa sasakyan niya dahil busy naman siya sa kausap niya.
"Goodmorning ma'am, " pagbati ko sa teacher namin sa harapan dahil kararating lang din naman niya malapit lang kaming nagkasabay.
"Have a seat Mondragon," utos niya sa akin kahit ako gulat din sa tinawag niyang lastname ko.
Tumingin tuloy ang mga kaklase ko sa akin kaya ito naman ang sinasabi ko eh si Franko talaga kasi oo kaya pala busy ang mukong no'ng na sa mansion kami dahil may ginagawa palang kababalaghan dito sa school.
"Ma'am, " depensa ko baka kasi mali lang siya. Nahagilap tuloy ng paningin ko si Jon at Alexa na nakatingin rin pala sa akin waring gulat din sa pagtawag sa akin ni ma'am.
"Yes, Mondragon?" tanong niya. Inulit pa talaga niya kaya napakamot na lang tuloy ako at umil. Ngumiti na lang ako at umupo sa likod buti na lang hindi ko kaklase ngayon si Ella kundi, bash na naman ang aabutin ko nito sigurado.
Hindi ako makapaniwala dahil ang bilis naman kasi masiyado. Kasasabi niya lang nung lastweek hindi na talaga siya napigilan basta sinabi niya ay gagawin niya na talaga basta sa akin.
"Uy, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Sanchez sa akin. Ito na naman si Sanchez mamaya papalabasin na naman kami, sabu ng isip ko.
"Wala," maikling sagot ko sa kaniya. Ayaw ko munang makipag kwentohan dahil mahirap na puros F na ang aabotin ko nito pag nagkataon. Nakakahiya sa asawa ko pero iba din talaga si Sanchez makulit din e.
"Bakit?" tanong ko nung kinalabit-kalabit ako sa taligiran.
"Iyong mga kaibigan mo tumitingin sa iyo," inporma niya sa akin kaya napatingin rin ako kung saan sila nakaupo. I'll give smile para sa kanila at iniwas ko na ang paningin ko pagkatapos ayaw kong ma disappointed na hindi sila gumanti sa akin ng ngiti.
"LQ?" bulong niyang tanong kaya tumango ako pero okay lang naman iyon sa akin at maniwala sila kung ano ang pinapaniwalaan nila basta ako nabubuhay ng marahal at walang inaapakan na tao.
"Sanchez?" tawag ng teacher namin kay Faith at agad naman ito tumayo. Ito na naman ang sinasabi ko eh, kaya napaangat rin ako ng tingin sa teacher namin.
"What are you whispering to Mondragon?" sita kay Faith na nakatayo na. Umiling si Ksenia aminado naman na hindi siya natatakot. General ang asawa, eh.
"Try to discuss it in front Faith Ksenia Sanchez!" galit na sabi niya kay Ksenia.
"Hindi purket isa ang asawa mo sa partnership ng University na ito ay magchi-chismisan na kayo ni Mondragon?" sita niya kay Sanchez.
" Sorry Ma'am,"hingi niya ng paumanhin kay Professor Singh at yumuko.
Ang kulit din kasi nitong si Sanchez ayan tuloy Lunes na Lunes at kay aga-aga ay napagalit siya. Umiling na lang ako at nagconcentrated ako hanggang matapos ang subject namin.
"Alam mo iyan si Ma'am Singh ang init ng ulo. Hindi siguro napagbigyan kagabi," Ani ni Ksenia sa akin. Luko-luko rin ito masiyado pati ba naman si Ma'am pinag-iisipan ng kung ano-ano.
"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi niya napalabas ang init ng katawan niya kaya napunta lahat sa ulo niya, " tawang sagot sa akin at ako naman umiling na lang.
BINABASA MO ANG
I'm married to a Professor (BACHELOR V)
RomantiekArrange marriage ang dahilan kung bakit kasal si Chrisian sa lalaking lihim na iniibig mula pagkabata nito. Walang problema sa lalake dahil naniniwala siya sa salitang LOVE IS A CHOICE and He is matured enough in terms of relationship pero may hangg...