NAGISING na lang ako nang maramdaman kong kinakalas ang seat beat ko. Napakurap-kurap ako dahil nakikita kong nagsasalita sila pero hindi pa ma-process ng utak ko.
"Sir?" rinig kong tawag sa akin kaya iniling-iling ko muna ang ulo ko.
"Okay ka lang, sir?" may pag-aalalang tanong sa akin at inalalayan na akong bumaba palayo sa sasakyan ko.
"Okay ka lang po?" sabay-sabay nilang tanong sa akin.
"I'm good. Kayo?" tanong ko. Naalala kong sila iyong nakamotor at muntik ko nang mabangga.
"Wala bang masakit sa iyo?"
"Ang anak niyo po—okay lang po ba siya?" sunod-sunod na taong.
"Okay lang po kami, sir. Malayo - layo pa naman kami sa awa ng Dios."
"I'm sorry sa nangyari. Nawalan ako ng control at preno," paliwanag ko sa kanila.
"Okay lang po kami, sir."
"Excuse me lang po, ha. May tatawagan lang po ako," pahayag ko sa kanila at kinuha ang cell phone ko sa bulsa ng pantalon ko.
Hinanap ko ang numero ni Keyn at tinawag ko siya tapos pinaliwanag ko ang nangyari at sinabi kong mag-paparescue na rin ako at nang matapos kong tawagan si Keyn ay pinuntahan ko ang sasakyan ko at kinuha lahat nang naiwan na cash sa wallet ko bago ako bumalik sa pamilya ng naka motors.
"Pasensya na po sa nangyari," hingi ko ulit ng paumanhin sa kanila at nag bow sa harapan nila.
"Here po," saad ko at inabot lahat ng cash ko sa kanila pero nag-alinlangan silang kunin dahil nakatingin pa silang mag-asawa.
"Magpacheck-up po kayong tatlo, sir. Kailangan niyo po ito," may sinseridád na sabi ko.
"Naku wag na po sir," tanggi nila pero umiling ako.
"Naantala ko ang oras niyo at ako na pong bahala rito sa nangyayari," sabi ko at inabot ulit ang cash sa kanila.
"Makakatulong po ito sa inyo, ma'am. Isipin niyo po ang anak niyo," sabi ko.
"Salamat, sir."
"Go home and take care. Wag na kayong mag-alala rito dahil may kaibigan naman akong pulis."
"Ingat na lang po kayo sa byahe sir. Sorry po talaga," may pag-alalang usal ko sa kanila at nag-give way na rin ako para maka-alis na sila.
Kumaway pa ako sa kanila hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Naglakad ako at bumalik sa sasakyan ko. Sumandal ako sa gilid ng pinto at hinihilot ang sindito ko habang hinihintay ko si Keyn pero hindi ko inaasahan ang isang sasakyan na huminto sa harapan.
Kumunot ang noo ko at napa-ayos nang tayo. Tumingin ako sa sasakyan nang biglang bumaba ang window ng harapan kaya umawang ang mga labi ko dahil sa gulat ko.
"GINOO!" rinig kong tawag sa akin.
Mabilis na bumaba ang driver at kinapa-kapa ang ulo ko pababa sa katawan ko. I saw his worried dahil siguro sa itsura ng bumper sa sasakyan ko.
"Sir?" tawag niya sa akin.
"Okay ka lang?" segundang tanong niya.
"I'm good, Lance, " sagot ko sa kaniya pero ang mata ko ay naka tingin lang sa tumawag sa akin ng Ginoo.
"He is," bulong ko at tama nga talaga ang panaginip ko dahil totoo.
Minsan talaga ay naniniwala ako sa panaginip dahil nasa bible ito at isa rin ang panaginip ang naging tulay ng Dios upang maki pag - usap sa mga pinili niya para ituro sa mga tao kung ano ang tama o mali.
BINABASA MO ANG
I'm married to a Professor (BACHELOR V)
RomanceArrange marriage ang dahilan kung bakit kasal si Chrisian sa lalaking lihim na iniibig mula pagkabata nito. Walang problema sa lalake dahil naniniwala siya sa salitang LOVE IS A CHOICE and He is matured enough in terms of relationship pero may hangg...