Chapter 5

251 7 0
                                    

Alam kong may gusto siyang alamin kaya gano'n na lang siya maniguro sa akin o baka may alam na siya pero gusto niyang magsabi ako sa kaniya. Mahirap talaga magtago kay Franko kapag andito siya because he can body language.

"Gusto kong kausapin ang driver mo kung ano ang pwede niyang sabihin sa akin sa paghatid, sundo niya sa iyo simula no'ng wala ako," seryosong saad niya kaya napaayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

"Nag bakasyon si manong Arman, Franko, " inporma ko baka nakalimotan niya lang. Binigyan niya kasi ito ng pahinga para makauwe din ito at makasama ang pamilya niya kasi sabay naman na kaming pupunta sa school everyday. Si Baba kasi iyong taong hindi niya kailangan ng driver kahit mayaman iyan.

"I can call and asked him later. Hindi naman nakaka isturbo ang magtanong," sagot niya.

"Gabi na mamaya, eh. Baka nga tulog na iyon," palusot ko pa.

"Gabi naman na ngayon Chrisian?" tanong niya tapos sumulyap pa talaga sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumingin sa labas ng binata.

"May tinatago ka," segunda niya pang sabi at huminto na siya at bumaba sa sasakyan. Hindi ko namalayan nasa restaurant na pala kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan bumaba.

"Thank you baby, " malambing na sabi dahil kahit nagagalit iyan o naiinis o wala sa mood. Gentlemen pa rin siya.

He is professional in terms of everything kaya ko mahal ang Baba kasi he captured my heart no'ng unang pagtagpo ng mga mata namin. Magkahawak kamay kaming pumasok sa restaurant nila ate Nehan. Hindi na lang ako nagsalita pagkatapos kong nagpasalamat dahil milktea lang iyong usapan namin kanina pero marami ng napuntahan at hindi naman na din siya magsasalita at magtatanong dahil nasa public area na kami itutuloy niya mamaya iyan kapag na sasakyan na o nasa bahay namin panigurado

"Oh, kuya?" sabi ni ate Nehan. Siya ang lumapit at nag-intertain sa amin ngumiti lang ako sa kaniya dahil inabot niya ang kanilang menu.

"Ikaw na lang Baba," sabi ko. Siya ang nag order ng makakain na kami. Alam niya naman din ang mga kinakain ko. Naghintay pa kami ng 15 minutes sa order namin at they serve it. Napangiti ako at napatingin sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay dibale. Excited akong kumain kasi nag-order siya ng milktea.

Agad kong kinuha ang milktea para inomin dahil nauuhaw na rin ako pero sinita niya ako at seryosong tumingin sa mga mata ko.

"Eat first at hati tayo diyan," sabi niya at sinubuan ako ng pagkain. Kinilig ako pero kinikilig talaga ako kaya kumain na din ako.

Hanggang sa natapos na din kaming kumain at hati talaga kami sa milktea. Okay lang iyon sa akin atleast naka milktea ako ngayon gabi. Umuwe na kami sa bahay iyong antok ko kanina ay nawala dahil  nag iisip ako ng palusot kapag magtanong siya sa akin regarding sa school pero wala akong mapapalusot kapag ang driver ko ang kausapin niya dahil sigurado akong magsasabi siya ng totoo kay Franko.

Huminga ako ng malalim dahil tahimik kaming dalawa ayaw kong pangunahan magsalita dahil hindi talaga matatapos ang gabing hangga't hindi natutuldokan ang hinala niya.

"Can I barrow your phone?" seryosong sabi niya habang sumusunod sa pag akyat sa hagdan huminto ako at binigay ang cell phone ko sa kaniya. Agad niya naman iyon kinuha at inabot niya rin ang cell phone niya sa akin dahil lowbat ito kaya meaning kailangan kong e-charge.

"Once you change again your uniform tomorrow Chrisian Rana talagang malilintikan kana sa akin, " banta niya at nauna ng umakyat sa taas kaya napatingin na lang ako sa kaniya bago sumunod din.

Sinusubukan niya sigurong tawagan si manong Arman pero hindi niya makontak iyon dahil gabi na medyo. Nakita kong na iinis na siya dahil iba na ang timpla ng mukha niya no'ng pumasok ako sa kwarto. Dumaretso ako sa walk in closet at kumuha ng towel dahil plano kong maligo para makaiwas sa kaniya.

I'm married to a Professor (BACHELOR V) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon