Third Person Point of View
Sa loob ng isang magarang kotse, halos sumabog ang tensyon. Kasalukuyang kausap ni George ang ama sa cellphone, pilit na iniintindi ang galit ng ama sa kabilang linya.
"Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho!?"
Nakatutok ang mga mata ni George sa labas ng bintana, habang ang tanawin ng lungsod ay nagiging malabo dahil sa magkahalong takot at inis na nararamdaman niya.
“Dad—hindi nga ako ‘yun—” mahinang sagot ni George, halos pabulong, tila umaasang mapalambot ang puso ng kanyang ama.
“Don’t give me damn excuses, George Jr.” matalim na balik ng kanyang ama, halatang wala sa kondisyon para makinig sa paliwanag niya.
“Hindi ko kayang gawin ‘yun kay Cindy dad, she’s Tita Agnes' daughter—” patuloy ni George, sinusubukang ipagtanggol ang sarili, ngunit malinaw na wala itong epekto.
“I know what I saw at hindi ito ang unang beses na may pinahiya kayo at talagang pi-nost niyo pa sa social media? Ano, proud kayo sa ginawa niyo?” bulyaw ng ama, puno ng galit at pagkadismaya. Bawat salita’y tila palaso na tumatama sa damdamin ni George.
Napabuntong-hininga si George, nararamdaman ang bigat ng bawat sinabi ng kanyang ama. Tahimik lang siyang nakikinig, habang ang boses ng ama ay patuloy na nagpapakulo ng kanyang damdamin. Pero alam niyang kahit anong sabihin niya, hindi na mababago isip ng kanyang ama.
“Wala ka na bang ibang ibibigay sa akin kundi ang sakit sa ulo at kahihiyan?” muling bulyaw ng ama, ang bawat salita’y tila sibat na tumatama sa puso ni George.
“Marami na akong problemang kinakaharap ngayon, George. Huwag mo nang dagdagan at huwag ka nang dumagdag,” dagdag pa ng kanyang ama, tila nawawalan na ng pasensya.
“Yes, Dad,” sagot ni George, halos hindi na marinig dahil sa bigat ng damdamin. Alam niyang wala siyang magagawa kundi sundin ang nais ng kanyang ama.
“Make sure of it dahil kapag narinig ko pang may reklamo sa’yo, bahala ka na sa buhay mo,” banta ng ama bago tuluyang ibinaba ang tawag. Pagka-off ng linya, dumating sila sa Williams Academy, isang prestihiyosong paaralan kung saan nag-aaral ang mga anak ng mayayamang negosyante sa pilipinas.
"Ano ba manong! Gusto mo masisanti? Ang bagal mo!" Hiyaw ni George sabay sipa sa matandang driver niya. "Pasensya na po señorito." ika ne'to at iniinda ang sakit ng pagkakasipa ng alaga.
“Hey! George, what’s up, man? How was your day?” sumingit ang boses ni Troy sa ingay, habang nakayakap pa sa balikat ni George. Hindi pinansin ni George si Troy. “Anong trip natin ngayon?”
Malamig na tinanggal ni George ang kamay ni Troy mula sa kanyang balikat. “No one’s gonna trip anyone. Remember what happened nung Friday? Dad grounded me for a month, and our teacher is watching me closely," sagot ni George habang pasimpleng tumingin kay Ms. Dianne, ang kanilang guro, na kanina pa nakatingin sa kanya.
"What a dupe," bulong ni Troy pagkatapos silipin ang guro. "Yeah, you are a dupe," balik ni George bago magtungo sa kanilang silid-aralan. "Dude, wait up!"
"If it weren’t for your antics, I wouldn’t be in this situation," sabi ni George habang inilalapag ang kanyang backpack sa kanyang desk.
"Pffft, me?" tanong ni Troy, nangingisi. "What antics? It’s not antics if it’s freaking fun, and everyone enjoys it."
Humarap si George sa kanya, itinuturo ang kanyang daliri sa mukha ni Troy. "You don’t know what I have been through for the past two days, and you know what, you should be the one in my shoes, not me."

BINABASA MO ANG
Imagine Forest
Детектив / Триллер"Imagine Forest" Written by: CUTE_TOT19 Introduction: Sa isang gabi ng tag-ulan. Sa gitna ng isang madilim na kagubatan, nagbubukas ang kuwento patungo sa isang misteryosong mundo kung saan may isang lihim na naka-tago sa kadiliman. Ang pagkatao'y l...