CHAPTER 19

4 2 0
                                    

Third Person Point Of View
******

Huminga nang malalim sina Sergeant Franco at chief detective Mateo habang nakatingin sa nakakapangilabot na crime scene sa ilalim ng St. Peter Bridge. Ang bangkay ng isang batang babae ay palutang-lutang sa tubig, hindi pa nakokomperma. Nakasuot ito ng uniporme ng St. Williams, ngunit sa estado ng katawan, mahirap itong makilala. Maya-maya, lumapit ang mga kapwa nilang pulis at iniabot ang ID ng biktima. "Confirmed, sir. Siya po ang nawawalang estudyante ng St. Williams."

Na-identify ang biktima bilang si Veronica Santos sa pamamagitan ng kanyang ID.

"Nasaan ang anak ko? Nasaan-hindi maaari! Anak ko... anong ginawa niyo sa anak ko!!!"

Humagulhol ang ina ni Veronica nang dumating sa eksena. Halatang bigat na bigat ang puso habang tinatanaw ang nakakalunos na sinapit ng kanyang anak, na ngayo'y naaagnas na ang katawan. Dalawang linggo bago natagpuan ang bangkay ni Veronica, sinimulan ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa kanyang pagkawala. Ngunit dahil walang matibay na ebidensya na tumuturo sa mga suspek, patuloy nilang hinanap ang katotohanan sa likod ng krimen. Ngayon na nakita na nila ang katawan ni Veronica, mas lalo silang naghinala na ang krimen ay konektado pa rin sa estudyante ng St. Williams na nasawi sa camp.

"Sir, ito na po ang resulta sa kaso ni Veronica Santos."

Dalawang linggo bago nagsimula ang autopsy, dumating ang ulat ukol sa sanhi ng pagkamatay ni Veronica. Binuksan ni chief detective Mateo ang file na naglalaman ng autopsy records ni Veronica. "Poison?" kumunot ang noo ni Sergeant Mateo. "Cadmium, lead, mercury-lahat ng ito ay natagpuan sa loob ng katawan ni Veronica, at nakainom din siya ng alak, isang klase ng One By One whiskey. Nadiskubre rin natin na ang biktima ay tatlong buwan nang buntis. Walang pasa o anumang palatandaan ng pakikipaglaban." Tanging sa isang larawan nakatuon ang pansin ni chief detective Mateo, sa isang kilalang alak ng mga mayayaman.

"The same drink that the victims had before the incident."

Tumango si sergeant Tim. "Yes, sir."

"Ano sa tingin mo, sargeant Tim? Could it be suicide?"

"We're not sure, sir."

"Hmmm, how about Cindy Miranda? Ano ang koneksyon niya sa kaso?"

"Ang tanging lead natin sa kaso, at ang kaibigan ng biktema na si--"

"Gemini? ang nag-iisang survivor." putol ni chief detective Mateo."Well, students say they saw them together inside the school for the past weeks. But, Veronica was last seen with Cindy before she disappeared. Their conversation was captured on CCTV before Veronica left in an unknown direction."

"Saang lokasyon? Bakit walang naka-saad dito? Parang hindi mo ata na-isulat."

"Wala pong CCTV sa northbound. They couldn't determine where she went, except for the car found near the lake close to their school." Tinignan ni Sergeant Mateo ang file, "Ito rin ang lugar ng crime scene, ah." "Yes, sir. At na tagpuan naman ang bangkay sa St. Peters Bridge." "Hindi pa na lulutas ang kaso ng St. Williams ngayon ay may dumagdag na naman." huminga ng malalim si chief detective. "Alam din ng mga estudyante sa Williams na binully si Cindy ng grupo bago siya lumipat sa bagong paaralan. Noong Hunyo 12, 2024, nag-viral ang isang video kung saan pinahiya siya ng grupo nina Gracey. At noong Hunyo 15, nangyari ang insidente. Hunyo 16, kinabukasan, natagpuan ang mga bangkay nila."

"How about Gemini Ginevra? Ang nag-iisang survivor ng trahedya," muling kumunot ang noo ni Sergeant Mateo habang tinititigan ang larawan ng isang dalagita. "Siya ang kasama ni Veronica bago siya mawala, pero buhay pa ang biktima nang makita silang magkasama sa loob ng paaralan, at ayon sa CCTV footage na nakuha ng team, si Cindy ang huling taong nakita kasama ni Veronica bago ito nawala."

"What do you think could be the possible motive for the crime?"

"Revenge, sir."

"And do you think Gemini and Cindy might have a hidden agenda?"

"Maraming estudyante ang nagsasabi na kakaiba si Gemini kumpara sa anim niyang kaibigan. While Gemini is considered kind, especially with the information suggesting that this crime may be related to Gemini's deceased boyfriend, who had a relationship with Veronica before the suspect arrived at Williams. Pero base sa lab results ng fetus, hindi si Troy Parker ang ama ng bata."

"Thank you, Tim. I will take over this case."

"Okay, sir."

"Sige, iwanan mo na ako. Tatawagan na lang kita mamaya."Nagdesisyon si Sergeant Mateo na pag-aralan nang mabuti ang kaso ni Veronica, handa nang suriin ito nang masinsinan. "One by one? Cindy, pregnant Veronica, and the unknown father, and Gemini-the only survivor?" Pinagtagpi-tagpi ni chief detective Mateo Mateo ang mga impormasyon habang nakatitig sa mga larawan ng mga suspek na nasa board. "One by One," inalala niya ang mamahaling alak na tila nagpapahiwatig ng isang piling grupo ng mga tao na may kayang bilhin ito. "Veronica-Troy-Gemini."Habang tinitignan ang mga larawan ng mga suspek, unti-unting sumiksik sa isip niya ang hinala, na baka may tinatagong sikreto ang ilan sa kanila, lalo na si Gemini.

"Alam kaya ni Gemini na buntis si Veronica? At inisip niyang ang yumaong kasintahan niya ang ama? Gemini Ginevra, one by one, Cindy-" Sumagi sa isip niya ang pangalan ng may-ari ng liquor brand. "Steven Binchy." The Binchy family. Ang mamahaling alak na ito ay indikasyon na kabilang sa mga mayayamang tao ang mga posibleng suspek. "They came from wealthy families, except for two." Lumalim ang kutob niya, "Cindy and Veronica." nagtutulak sa kanya na lalong siyasatin ang dalawang suspek. Hindi niya alam ang maraming bagay ukol sa mga magulang ni Gemini o ang pagkakilanlan ng apelyido ng mga Ginevra, habang si Cindy, na may ama na isang pharmacist, ay maaaring may access sa mga drogang ginamit para lasunin si Veronica.

"Could Gemini and Cindy be in cahoots?" Patuloy na binuo ni Sergeant Mateo ang ulat tungkol sa nawawalang tao at suspek. Isinumpa ni Sergeant Mateo na hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang katotohanan sa likod ng misteryosong krimeng ito.

"Veronica was poisoned before she died." Paulit-ulit na bumabalik ang mga salitang ito sa isip ni Chief Detective Mateo habang muling binabasa ang ulat. "Is it impossible that the killer failed to kill her, so the killer repeated the act?" Nabasag ang katahimikan ng kanyang boses habang sinusuri ang bawat detalye ng kaso. "What if si Gemini ang susunod?" iniangat niya ang litrato ni Gemini at muling pinagmasdan ito.

Imagine Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon