A gentle reminder/Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga sensitibong tema na maaaring magdulot ng discomfort o emotional distress sa ilang mambabasa. Kabilang dito ang mga eksenang may kaugnayan sa karahasan, pang-aabuso, at iba pang delikadong sitwasyon. Kung ikaw ay may pinagdadaanang mabigat na emosyon o kaya'y hindi komportable sa ganitong uri ng nilalaman, inirerekomenda naming ipagpatuloy ang pagbabasa sa mga susunod na kabanata na mas akma para sa iyong kalagayan.
Ang iyong kaligtasan at emotional well-being ang aking pangunahing concern. Mangyaring maglaan ng oras para suriin ang iyong sarili bago magpatuloy.
Maraming salamat sa iyong pag-unawa.
-CUTE_TOT19
******
Third Person Point Of View
******Hinihingal at nanginginig si Gracey habang sila ni Pauline ay nagmamadaling pumasok sa bakuran ng mansyon. Halos mabaliw siya sa takot, pero sa kabila ng lahat ng nangyari, isang bagay lang ang iniisip niya-hindi pwedeng siya ang masisi sa pagkamatay ni Savanna. Hindi niya hahayaang bumagsak sa kanya ang lahat ng sisi.
Nang makatawid sila sa gate, napaluhod si Pauline sa lupa, umiiyak habang si Gracey ay nanatiling nakatayo, nanginginig sa galit at takot. Pero imbes na magpakumbaba, mas lalo pang nagningas ang apoy ng kanyang galit.
"Oh gosh!" Tears streamed down on Pauline's faces as the reality of their situation sank in. The memory of Savanna's terrified screams echoed in her minds, haunting her with a sense of helplessness. "I-I can't believe this is happening, where doomed!" Paula said as she struggled to find the strength to continue.
"There's no time time for mourning!" Gracey said, her voice filled with determination despite her trembling hands. "Gracey... paano kung-" usal ni Pauline, pero agad siyang pinutol ni Gracey.
"Paano kung ano, Pauline? Kasalanan ko ba na ang tigas ng ulo ni Savanna? Sinabi ko na sa kanya na tumigil, pero hindi siya nakinig!" Puno ng galit ang boses ni Gracey, pilit na itinatanggi ang anumang responsibilidad.
"Pero, Gracey, ikaw ang nagtulak sa kanya! Kung hindi mo siya itinulak-"
"Mali ka, Pauline!" singhal ni Gracey, halos mag-apoy ang kanyang mga mata. "Hindi ko siya itinulak para mapahamak siya! Nagtuturo lang siya ng kaartehan sa harap ng tubig! At ano? Gusto mo ba akong sisihin sa katigasan ng ulo niya? Wala akong kasalanan sa pagkamatay niya! Kung hindi siya pasaway, buhay pa sana siya ngayon!"
Napalunok si Pauline, natigilan sa biglaang pagsabog ni Gracey. "Pero Gracey, lahat tayo may pananagutan-"
"HUH? Pananagutan? Siya ang nagpasimuno nito, Pauline! Kung hindi siya nagpilit na hawakan yung tubig na 'yun, walang nangyaring ganito! Kaya huwag mong ituro sa akin ang kasalanan ng ibang tao!" Nanginig ang boses ni Gracey, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit at pagtatanggol sa sarili.
"Pero-"
"Alam mo, Pauline, kung may dapat kang sisihin, si Savanna 'yun! Siya ang matigas ang ulo, siya ang hindi nakikinig! At hindi ko problema 'yun. Kung gusto mo siyang ipagtanggol, bahala ka, pero ako, lilinisin ko ang pangalan ko. Hindi ko hahayaang masira ako dahil sa kapalpakan niya!"
![](https://img.wattpad.com/cover/369715742-288-k986365.jpg)
BINABASA MO ANG
Imagine Forest
Mystery / Thriller"Imagine Forest" Written by: CUTE_TOT19 Introduction: Sa isang gabi ng tag-ulan. Sa gitna ng isang madilim na kagubatan, nagbubukas ang kuwento patungo sa isang misteryosong mundo kung saan may isang lihim na naka-tago sa kadiliman. Ang pagkatao'y l...