Third Person Point of View
"Mr. Binchy, Mrs. Binchy labis naming ikinalulungkot na ipaalam sa inyo na natagpuan namin ang inyong anak," bungad ni Sergeant Acosta, ang bigat ng sitwasyon ay ramdam sa kanyang tinig.
"Oh my god...m-my daughter..."
Napaluhod sa harap ng pinto ang ina ni Gracey, si Mrs. Binchy. "Is she alright?" nanginginig niyang tanong, umaasa na kahit papaano ay may maibibigay na magaan na balita si Sergeant Acosta.
Nag-aalangan si Sergeant Acosta bago tuluyang nagsalita. "Kinalulungkot ko, ngunit si Gracey ay isa sa mga bangkay na natagpuan sa loob ng sasakyang sumabog."
Biglang pumutok ang emosyon sa loob ng silid. Si Mrs. Binchy ay napahiyaw ng malakas, habang si Mr. Steven Binchy ay nanatiling tulala, tila pinipilit intindihin ang sinapit ng anak. Ngunit ilang segundo lamang ay bumaling sa kanya ang kanyang asawa.
"Steven, this is all your fault!" sigaw ni Mrs. Binchy, puno ng galit ang boses, nanginginig ang kanyang kamay sa sobrang emosyon. "Dalawa na sa mga anak ko ang pinahamak mo!" "Gemma Lyn--" Hindi na nakapagpigil pa si Mrs. Binchy at *SLAP* — sumalpak ang kanyang palad sa pisngi ng asawa.
"Kinuha mo na ang anak ko, pati ba naman si Gracey pinahamak mo?"
Tumahimik ang buong paligid, ang tunog ng sampal ay nag-echo sa buong ospital. Walang nasabi si Mr. Binchy. Tila ba nawala ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Hindi niya nagawang tumingin sa kaniyang asawa, na agad na umalis sa eksena, lumuluha habang naglalakad palayo, bitbit ang bigat ng trahedya.
"Paano naman ang iba? Mayroon po bang ibang nakaligtas?" Isang araw ang nakalipas mula nang maganap ang trahedya na kinasangkutan ng kanyang anak at pito pa sa pang mga kaibigan, ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon.
"Oo. Masasabi ko na milagro ang pagkakaligtas ng dalawa sa aksidente. Si Veronica ay nagtamo lamang ng minor injuries, samantalang si Gemini Ginevra ay kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan." Hindi pa rin malinaw kung paano nakaligtas sina Veronica at Gemini.
"Kamusta naman po si Veronica, Doc?" tanong ni Mr. Binchy.
"Patuloy pa rin siyang inoobserbahan, ganoon din si Gemini."
Lahat ay naghihintay na magkamalay sina Veronica at Gemini upang malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyari. Samantala, natagpuan na rin ang ninakaw na sasakyan ng guro malapit sa paaralan, ngunit ito ay nasa liblib na bahagi ng kagubatan. Kung saan sila natagpuan
"Stevenson! Stevenson!" Napalingon ang lahat nang biglang pumasok sa eksena ang ina ni Veronica, bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.
"Ano ba talaga ang nangyari? Hindi ko maintindihan kung bakit umabot sila sa ganito?"
"Ni ako rin hindi ko alam," sagot ni Mr. Binchy na mukhang gulong-gulo rin.
"Huwag kayong mag-aalala, aalamin namin ang lahat ng detalye," pag-assure ni Mr. Acosta. "Kapag nagising na ang anak niyo, magkakaroon na tayo ng mas malinaw na paliwanag."
"Maraming salamat sgt. Acosta, lalo na sa'yo, Stevenson," sabi ng ina ni Veronica na bakas ang pasasalamat sa kanyang mga mata.
"Pwede ko po bang makita ang dalawang nakaligtas?" tanong ni Mr. Binchy.
Tumango ang doktor at sinamahan sila patungo sa kwarto ni Gemini. Nakasilip sila mula sa labas habang pinagmamasdan ang kalagayan ng dalaga. May tubo sa kanyang bibig na tumutulong upang siya'y makahinga, at iba't ibang medical devices na nakakabit sa kanyang katawan. Huminga ng malalim si Mr. Binchy bago muling tumingin sa dalaga.
"May balita na po ba sa mga magulang niya?" tanong ng nanay ni Veronica sa doktor.
"Ang legal guardian ni Gemini ang nagpunta rito at nagpaliwanag na wala sa bansa ang mga magulang niya, pero alam nila ang nangyari sa kanilang anak," sagot ng doktor at pasimpleng tumingin sa gawi ni Mr. Binchy. "Siya ay nagtamo ng fractures sa katawan, ulo, at likod. Hindi ko inaasahan na patuloy pa rin siyang lumalaban sa kabila ng mga natamo niyang sugat."
BINABASA MO ANG
Imagine Forest
Misteri / Thriller"Imagine Forest" Written by: CUTE_TOT19 Introduction: Sa isang gabi ng tag-ulan. Sa gitna ng isang madilim na kagubatan, nagbubukas ang kuwento patungo sa isang misteryosong mundo kung saan may isang lihim na naka-tago sa kadiliman. Ang pagkatao'y l...