CHAPTER 10

9 2 0
                                    

Third Person Point Of View
***

"Finally... here... at last—"

Hingal na hingal na si Savanna kakarating lang nila sa tuktok ng bundok kung saan naroon ang sinasabing tahanan ni Bettina. Nanginginig ang boses niya sa sobrang pagod.

“Anong klaseng lugar 'to?”

Nalilito pero namamangha ang tono ni Pauline habang ini-scan ng mga mata niya ang paligid. Sa unti-unting paglubog ng araw, napansin nila ang napakalawak na lawa na tila kumikislap sa liwanag.

“Omg! Guise, look!”

Bulalas ni Savanna. Para siyang bata na hindi mapakali sa nakikita niya. Kitang-kita mula roon ang isang maliit na sand bar na nasa gitna ng lawa, na para bang nagsisilbing tulay papunta sa misteryosong mansyon na napapalibutan ng mataas at matitibay na pader.

"It's pretty but creepy, what if that's the real house of Wednesday Adam?"

"Nonsense Pauline, what if ito na ang sinasabi ni Bettina na bahay niya?"

"Seriously both of you shut up, let's go."

“Oh Gracey, pa-hinga muna tayo at isa pa ang linaw ng lawa! Let’s take a look!”

Sigaw ni Savanna na punong-puno ng excitement. Halos hindi siya mapakali sa kanyang mga nakikita, na tila ba may magnetong humihila sa kanya papunta sa lawa.

"Savanna wait!"

Ngunit sa kabilang banda, si Gracey at Pauline ay nag-aalinlangan. Hindi mapakali si Gracey habang tinitingnan ang paligid, parang may kung anong nararamdaman siyang hindi tama.

“Parang may naglagay nito for some reason,” bulong ni Gracey na para bang sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari. "I think we should go back—" “Gracey, look sira-sirang bangka.” turo ni Pauline sa direksyong ng mga ito, curious rin na lumingon si Gracey sa bagay na tinuturo ni Pauline. Nakita niya ang mga bangka sa malayong pampang, pero halos lahat ay may mga butas at sira-sira na.

"Yeah, great. Obviously, we don’t need it," sagot ni Gracey na puno ng sarkasmo. Hindi maalis ang kaba sa dibdib niya, pero pilit niyang pinapalakas ang sarili.

"Hindi ko alam kung ang pagpunta ba natin sa lugar na ito ay tamang decision. That bettina girl is weird, same thing na rin sa lugar na to."

Gracey again filled irritated by what pauline said. "That damn car leading us this way, bakit may ibang option ka pa ba?"

Habang abala sa paguusap sina Pauline at Gracey, walang nakapansin na may mga basyo ng bala na nakabaon sa lupa at natatabunan ng mga tuyong dahon sa mismong paanan nila.

Pero hindi lamang iyon ang nakakakilabot. Kung susuriin ng mabuti, sa ilalim ng malinaw na tubig ng lawa, makikita ang mga silueta ng iba't ibang mga sasakyan at mga tanke ng pandigma na tila nilamon ng kalaliman.

Ang lugar na ito ay mistulang naging saksi sa isang matinding labanan, isang lugar na dati'y pinagharian ng kaguluhan at karahasan. Nagbibigay ito ng kakaibang kilabot na nagpapalakas ng kaba sa dibdib ng bawat isa sa kanila.

*SPLASH!*

Biglang tumunog ang pagtilamsik ng tubig, at napalingon sina Pauline at Gracey kay Savanna, na nagtatapon ng maliit na bato sa lawa.

“Savanna, hindi tayo nandito para mag-enjoy,” sabi ni Pauline, may halong pag-aalala sa boses. “Ito naman ang o-oa! Come on, guise! The water just looks so fine!” sagot ni Savanna habang inaabot ang tubig.

“Wala tayong panahon para mag-saya, Savanna. Let me remind you, Veronica is dead, one stupid is missing and three boy’s are gone, out!" madiing sabi ni Gracey. “Let’s get moving! Gusto ko na talaga makaalis sa lugar na ’to!” Gracey ang nanguna sa paglakad, habang nakasunod si Pauline.

Imagine Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon