"Imagine Forest"
Written by: CUTE_TOT19
Introduction:
Sa isang gabi ng tag-ulan. Sa gitna ng isang madilim na kagubatan, nagbubukas ang kuwento patungo sa isang misteryosong mundo kung saan may isang lihim na naka-tago sa kadiliman. Ang pagkatao'y l...
Dalawang buwan na ang lumipas, at sa panahong iyon, maraming pangyayari ang naganap. Sa likod ng makapal na salamin, isang dalagitang payat, maputla, at walang imik ang nakaupo sa isang malamig na silid. Ang kanyang mga mata'y malayo ang tingin, tila baga nasa ibang mundo.
"Kamusta na diyan, bata?" tanong ng isa sa dalawang pulis na nakatayo sa labas ng silid. May bahagyang ngisi sa kanyang mukha, ngunit hindi ito ngiting magaan-may halong kakaibang interes ang naglalaro sa kanyang mga mata.
"May gusto ka bang sabihin? O baka gusto mong lumabas?" dagdag pa ng kanyang kasama. Ang tono niya'y parang nanunukso, habang ang kanyang tingin ay tila sinasaliksik ang bawat kilos ng dalagita.
Pareho silang nakatayo, nagmamasid na parang may hinihintay na kakaibang reaksyon mula sa dalagita. Ang kanilang mga mata'y gumagalaw mula ulo hanggang paa ng bata, parang tinatantiya ang kanyang kahinaan.
Hindi nila namalayan ang pagdating ni Sergeant Tim, na mabilis na pumasok sa eksena.
"Huwag niyong hayaang mawala siya sa paningin niyo," malamig na sabi nito, dahilan upang magulat at magmadaling ayusin ng dalawa ang kanilang tindig.
Matalim ang tingin ni Sergeant Tim habang nakatutok sa dalagitang tahimik na nakaupo. Ang dalawa namang pulis ay nanatiling tahimik, ngunit halata sa kanilang mukha ang bahagyang kaba.
"Kamusta na siya?" tanong ni Sergeant Tim, direkta ang tono.
"Hindi pa rin niya ginagalaw ang pagkain, sir," sagot ng isa, pilit na pinipigilang makaramdam ng nerbiyos.
"Sigurado po ba kayong may sakit sa utak ang dalagang 'yan, sir?" tanong ng isa pang pulis, na bahagyang tumingin muli sa dalagita, ang interes sa kanyang mga mata'y nanatili.
Hindi kumibo si Sergeant Tim, ngunit ang kanyang malamig na presensya ay sapat upang palamigin ang ere. Samantala, ang dalagita'y nanatili sa kanyang pwesto, hindi gumagalaw, habang ang dalawang pulis ay tila naghihintay ng anumang palatandaan mula sa kanya-kahit anong bagay na maaari nilang gamitin para masiyahan ang kanilang lihim na intensyon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakaluhod ito sa malamig na sahig, nakapikit, at nakatingala ang mukha sa kisame, na wari tahimik na nagdarasal.
"Sayang ang batang ito, maganda pa naman tsk-tsk." bulong ng isang pulis, ang mga mata'y dumadapo sa makinis na braso at binti ng dalaga.
"Bakit hindi na lang natin siya dalhin sa Asylum, sir? Nandoon ang mga kasamahan niya, tiyak kong mas ligtas siya kaysa dito" dagdag na tanong ng isa sa mga pulis na pinapatamaan ang dalawa niyang kasamahan.
"Tsk."
Tumingin si sargeant Tim sa kanyang relo- 'malapit nang magsimula ang seremonya.' muli siyang sumilip sa kinaroroonan ng dalaga at huminga ng malalim.