CHAPTER 20

5 2 0
                                    

🔞 RATED SPG PAALALA:

Heads up, dear cuties! Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga eksena ng matinding aksyon at karahasan. Ang mga detalyadong paglalarawan ng mga eksena ng labanan at karahasan ay maaaring magdulot emotional distressed, lalo na sa mga mambabasa na sensitibo sa ganitong uri ng nilalaman.

-CUTE_TOT19

******

Sa loob ng opisina ng police department, ay nagkakagulo. Sumabog ang tensyon sa loob ng interrogation room habang galit na galit ang mga magulang ni Cindy na ipinagtatanggol ang kanilang anak laban sa mga akusasyon. Si Mrs. Gonzales, ang ina ni Cindy, ay hindi na napigilan ang kanyang galit habang kaharap ang mga pulis at magulang ni Veronica.

"Walang kasalanan ang anak ko! Hindi siya ang pumatay kay Veronica!" sigaw ni Mrs. Gonzales, habang mariing hinahawakan ang braso ng kanyang asawa, si Mr. Gonzales, na mukhang pinipigilan ang sarili. "Bata pa ang anak namin! Paano niyo siya magagawang pagbintangan ng ganito?"

Nasa gilid naman si Cindy, nanginginig at umiiyak, habang nakatayo sa likod ng kanyang mga magulang. Naroon din ang principal ng eskwelahan, si Mr. George Senior na ama ni George, na tahimik lamang sa isang sulok, nais mag-salita ngunit tila natutuyo ang mga salita sa kanyang lalamunan.

Sa kabilang banda, si Mrs. Santos, ang ina ni Veronica, ay nagsisigaw habang umiiyak, ang sakit at galit ay bumabakat sa bawat salita. "Siya ang may kasalanan! Sinira niya ang buhay ng anak ko! Marami pang pangarap ang anak ko para sa amin! Ngunit nang dahil sa anak mo mawawala na lang ang lahat ng pangarap ng anak ko!" Hinagpis niya, hindi mapigilang isisi kay Cindy ang pagkamatay ni Veronica.

"Sinungaling ka! Hindi si Cindy ang may kasalanan!" galit na tugon ni Mrs. Gonzales, sumisigaw na rin habang tinuturo si Gemini na tahimik lamang sa isang sulok. "Bakit hindi niyo imbestigahan nang maayos? Bakit si Cindy ang pinagbibintangan niyo? Hindi lang si Cindy ang kasama ng anak mo sa araw na iyon kundi si Gemini! Mga kaibigan mo 'yun! Kasama ka don! Anong kinalaman ng anak ko? Malayo na nga siya sa inyo na kayong nagpapahirap sa kaniya! Walang araw na hindi umuuwi ng luhaan ang anak ko! Biktema ang anak ko dito! Biktema rin siya! Hindi niyo ba naiisip yun!"

Pinilit ni Chief Detective Mateo na manatiling kalmado sa gitna ng kaguluhan, ngunit ramdam ang bigat ng sitwasyon. "Mrs. Gonzales," panimula niya, ngunit matigas na ang kanyang tono, "ginagawa namin ang lahat para malaman ang katotohanan. Lahat ng anggulo, lahat ng posibleng suspek, iniimbestigahan namin--" "At anong karapatan n'yo para pagbintangan ang anak ko? Kulang kayo sa ebidensya! Wala kayong karapatan! Na pagbintangan ang anak ko sa kasalanang hindi niya ginawa!" sigaw ni Mr. Gonzales, na ngayon ay halos itulak na si Chief Detective Mateo.

"Sapagkat may mga tanong na kailangan naming sagutin," mariing tugon ni sergeant Franco. "Ang anak ninyo ay ang huling kasama ng biktema, at kailangan namin siya muling makausap bago mai-angat ang kaso laban sa anak niyo." "How about that girl?" Turo ng ina ni Cindy kay Gemini. "Ma'am kinakailangan niyo pong huminahon." Sabat ni Teacher Dianne. "Huminahon!? Oh my god! Bakit ba pakiramdam ko pinagkakaisahan niyo kami ha!" tumayo si Cindy at pinigilan ang ina."Ma huminahon po kayo---" ngunit tumayo rin ang ina ni Veronica at akmang sasaktan si Cindy ng pigilan ito ng kaniyang mister"Dahil totoo naman talagang ang anak mo ang pumaslang sa anak ko! Iyon ang totoo!"

"Ang anak mong bully ang pumatay sa sarili niya! Buntis siya diba? Buntis siya! Maraming dahilan bakit ang anak ko pa sinisisi niyo! Bakit hindi rin ang batang iyan! Mag-salita ka Gemini!"Samantala, si Gemini ay nananatiling tahimik sa isang sulok, tila walang emosyon, habang pinagmamasdan ang kaguluhan. "Ma'am huminahon po kayo." Ang kanyang adviser, si Mrs. Dianne Murphy, ay nasa tabi niya, hawak ang kanyang balikat na para bang pinapalakas ang loob ng dalaga.

Imagine Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon