CHAPTER 21

9 2 0
                                    

Mga kaganapan mula sa police station bago nangyari ang sunog...

Third Person Point Of View
******

Sa labas ng istasyon ng polisya, isang lalaki ang tahimik na nagmamasid. Hawak ang yosi sa kaliwang kamay at cellphone sa kanan, ang usok mula sa kanyang yosi'y malayang bumabalot sa hangin ng gabi.

Hindi alintana ng lalaki ang malamig na simoy ng hangin o ang bigat ng kanyang ginagawa-tila'y sanay sa ganitong sitwasyon.

"Kamusta na, ano'ng balita?"

Malamig, halos walang emosyon ang boses sa kabilang linya. "Dilikado ang mag-ama," sagot ng lalaki habang bumubuga ng usok, tila walang pakialam sa bigat ng sitwasyon. Pinagmasdan ang paligid, ang mga mata niya'y nakatuon sa loob ng police station.

"Kung ganun, alam mo na ang gagawin mo."

Sandaling napatingala ang lalaki, tila nag-iisip. Umiling-iling siya, pinapakita ng kanyang mata ang maliit na alinlangan na hindi niya masabi. Pero alam niyang wala nang atrasan.

Sa isang malalim na hinga, muling tumingin sa building, na para bang sinisipat ang bawat detalye. "Sige, ako na ang bahala," sagot niya bago ibinaba ang tawag at sinindihan muli ang kanyang yosi, bago ito mabilis na pinatay at tinapakan sa lupa.

Pumasok siya sa loob ng police station na tila walang ibang iniisip kundi ang kanyang misyon. Kaunti lang ang mga tao sa loob, karamihan ay naroon sa kanilang mesa, abala sa kani-kanilang trabaho. Ngunit ang mga mata niya ay agad na nakahanap ng target-

"Oh pare nandito ka na pala."

Bungad sa kaniya ng kasamahan. Nang pumasok ito sa loob ng opisina ni Chief Detective Mateo, ay naroon na ang isa niyang kaibigan, nag-aayos ng mga files sa mesa.

"Oh, ang aga mo ah. Kamusta na assignment mo?"

Kunwari'y casual na bati niya, sabay abot ng isang papel na parang walang anumang tinatagong motibo. Hindi halata sa mga kilos ng lalaki, pero ang mga hakbang niya'y tiyak at puno ng intensyon.

"Hmmm. Ito ba yung pina assign sa'yo ni sir?"

"Hindi, listahan lang 'yan ng mga nakalap na bagong ebendesya ni Franco. Ikaw kamusta 'yung sa'yo."

"Maganda at malaki ang nakuha kong pruweba," sagot ni Sergeant Jeff puno ng kumpiyansa. "Ikaw, kamusta? May nakuha ka ba? Kamusta nga pala ang lakad niyo?" tanong nito habang tinatapik ang balikat ng kaibigan, hindi alam na sa bawat saglit ay unti-unting bumibigat ang hawak ng kausap sa kaniyang patalim na nakatago sa bulsa ng jacket.

"Ano ang nalaman mo?" Kunwaring interesado ang tanong ng kaibigan habang pinipilit itago ang pag-igting ng kanyang kalamnan at pananabik sa magiging susunod na kaganapan. Umupo si Sergeant Jeff sa upuan ni Chief Detective Mateo, dahan-dahang inilalapag ang mga importanteng dokumento sa ilalim ng box.

"Marami. Tulad ng parang may sabwatan na naganap kay Mr. Binchy at Doc, tsk. Tama nga ang hinala ni chief detective Mateo, at meron pa akong nalaman maaring may kasabwat sila, isang pulis tama nga ang hinala ni chief." sagot ni Sergeant Jeff, na hindi napapansin ang nagbabadyang panganib. Narinig ito ng kausap at tama nga ang kanyang kutob-may mga mahalagang detalye na nalalaman na si Sergeant Jeff na hindi dapat lumabas. "Nakuha mo ang pruweba? Dala mo ba? Nalaman mo ba kung sino ang mga kasabwat?" tanong ng kaibigan, na pilit na iniitago ang pagtaas ng kanyang adrenaline.

Tumango si Sergeant Jeff at nag-ayos ng gamit, lalo na nung pinakita nito ang isang USB. "Ito ang sagot sa lahat, kuha ng CCTV footage sa building nila, ah- nga pala si Franco dumating na ba? Si Bert?" "Hindi ko alam, kararating ko lang." "Ganun ba, gabi na rin, sige--" akmang kukunin na sana nito ang cellphone sa bulsa para tawagan sana ang . Ngunit bago pa man siya makaalis, hinawakan siya ng kanyang kaibigan, ang kamay nitong malamig at matalim ang tingin.

Imagine Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon