CHAPTER 17

3 2 0
                                    

Third Person Point Of View
******

Sa kanilang paboritong tambayan sa tabi ng malaking puno, mag-isang nakaupo si Veronica, abala sa pagbabasa ng maternity book habang hinihintay si Gemini. Bagaman hindi natin masasabi na mag-best friend na talaga sila, hindi matatawaran ang pasasalamat ni Veronica kay Gemini. Ang simpleng presensya ni Gemini sa tabi niya sa mga oras ng pangangailangan ay napakalaking tulong na. Sa mga pagkakataong binu-bully siya ng mga estudyante, si Gemini ang laging nariyan para damayan at protektahan siya. Kung wala si Gemini, tiyak na mas magiging mahirap ang buhay ni Veronica.

Sa kabila ng lahat ng pagkakamali at hindi pagkakaintindihan nila noon, patuloy pa rin na tinuturing ni Gemini si Veronica na kaibigan. Para kay Veronica, malaki ang pagbabago sa kanyang sarili. Hindi na siya ang dating babaeng abala sa mga materyal na bagay. Ngayon, natutunan niyang pahalagahan ang maliliit na bagay, at ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Lahat ng iyon ay dahil sa pagsusumikap ni Gemini na tulungan at iangat siya sa kanyang sitwasyon.

“Sigurado ka ba?” nahihiyang tanong ni Veronica habang nag-aalinlangan sa sinabi ni Gemini, nung dumating si Gemini napag-usapan kasi nila ang birthday ni Gemini “Hindi na kailangan ‘yun, huwag mo ng isipin.” sa kabila ng sinabi nitong hindi na nito kailangan ng regal, nais pa rin ni Veronica na bigyan siya. Buong estudyante ng St. Williams ay pinagdidiriwang ang kaarawan ngayon ni Gemini.

“Uh, excuse me. It’s like totally unfair. Baka ano pa sabihin ng mga kaklase na’ten at ng mga magulang mo.” umiling si Gemini at hinawakan at pinatong ang kamay niya sa kamay ni Veronica at sinabing, “Huwag mo nang alalahanin iyon, ang mahalaga nandoon ka,” sagot ni Gemini nang may kaswal na tono sabay tingin sa puwesto kung saan parating umuupo ang nobyo, “Kahit presensya mo lang iyon naman talaga ang mahalaga” ika ne’to at ngumiti. “Alam mo sana matagal ko na ‘to ginawa no? Bakit ngayon ko pa naisip, kung kailan wala na sila.” pansin naman ni Veronica ang lungkot sa mga ngiti ni Gemini.

"Siguro naman may naisip ka ng party games, hindi ba't magaling ka do'n? Matutuwa mga kaibigan mo." pagbabago ni Veronica sa usapan, dahilan para muling sumigla ang ngiti sa labi ni Gemini. “Kung ganun, maghanda ka na. Siguradong mag-eenjoy ka sa gagawin natin.” Tumalon-talon pa ito sa sobrang kasiyahan. “Bakit? Anong gagawin natin?” tanong ni Veronica, nagtataka sa mga plano ni Gemini. “Swinging, swimming, running, jumping, singing, dancing, at siyempre, cooking, mga bagay na hindi natin nagagawa together.” sabi ni Gemini, na parang ito ang pinakamasimple at pinakamasayang bagay sa mundo.

Napatawa si Veronica. “Tsk. Ang babaw talaga ng kaligayahan mo. By the way marami ka bang bisita sino-sino sa tingin mo ang dadalo? Darating ba mga kaklase na’ten?” napa-isip si Gemini sa tanong ni Veronica. “Hmmm, I guess so, lahat kasi inimbitahan ko hehehe” sagot ni Gemini. “Kailan ka natutong mag-luto?” tanong ni Veronica. “Recent lang,” sagot ni Gemini, “Seryoso ka ba?” tanong ni Veronica, medyo nag-aalinlangan kung ipapatuloy pa ang usapin na ito. “Mahilig kasi kumain si Troy, kaya inaral ko.” Huminga ng malalim si Veronica at muling tumingin kay Gemini. “You made him happy Gem.” ngumiti rin si Gemini.

******

Pagdating ng tanghali, bago makipagkita kay Gemini. Dumaan si Veronica sa isang pastry shop kung saan paboritong tambayan ito ni Gemini. Bibilhan niya ng cake si Gemini. Kahit sinabihan na siya nito na huwag mag-abala. Ngunit abala siya sa pamimili, hindi niya inaasahang mag-krus ang landas nila ng dating kaklase. Si Cindy. Tila gulat na gulat si Cindy nang makita si Veronica, agad siyang umiwas ng tingin at pumasok sa loob. Ngunit nanatili pa ring sinusundan siya ng tingin ni Veronica. “Kamusta,” bati ni Veronica habang tinitingnan si Cindy. “Ayos lang ako.” casual na bati ni Cindy bagamat na roon pa rin ang garagal sa kaniyang boses.

Tumingin si Veronica sa relo niya, at ng makita na may ilang minuto pa siya para kausapin si Cindy agad niyang sinundan si Cindy. “Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Veronica, lumingon si Cindy sa kaniya ngunit ilang segundo naman ay tumango. “S-sige.” Pumili sila ng bakanteng mesa sa sulok at umupo doon. “Kamusta ka na sa bago mong school?”  tanong ni Veronica. Huminga ng malalim si Cindy. “Mag-isa pa rin ako, natatakot na makisalamuha sa ibang tao. Pero kahit ganun wala namang nang-aapi sa akin doon. Kaya malaya akong nakakapag-aral ng maayos-” “Cindy,” sabi ni Veronica, ang boses niya ay mahinahon pero puno ng emosyon. “I want to apologize for everything. I know it’s been a while since we last talked, kung pag-uusap bang matatawag iyon, and you probably didn’t expect me to do this, but I need to own up all the mistakes we made against you.”

Tumingin si Cindy kay Veronica, ang mga mata niya. “Bakit ngayon mo lang ginawa ito, Veronica? Kung kailan malaking ugat na itinanim niyo sa puso’t isipan ko?” “I know that everything we did to you was so painful. It’s only now that I realize how deep the damage was. I don’t know how to make it right, but I want you to know that I’m really sorry for everything.” sagot ni Veronica, ang tinig niya ay medyo nanginginig.

“Alam mo ba kung gaano kasakit pumasok araw-araw na lagi ko na lang maririnig ang mga masasakit na sila na binabato niyo sa akin araw-araw? Hindi ko alam kung kinaya ko yun ng pitong taon.” tanong ni Cindy, ang boses niya ay bahagyang nanginginig. “Sometimes I wonder what I did wrong to deserve this.” “You didn’t do anything wrong, Cindy,” sagot ni Veronica. “I can’t explain the pain you felt, but please know that it’s not your fault. Our mistakes are our responsibility, and you shouldn’t have to carry that burden. Pasensya na sa lahat.”

“Nung ginawa niyo yun sa akin, iniisip niyo ba kung gaano ka laking epekto nun sa buhay ko?” tanong ni Cindy, ang mga mata niya ay naglalaman ng kalituhan. “Hindi na nito maibabalik ang dating ako, Veronica.” yumuko si Veronica at pa-simpleng humawak sa kaniyang tiyan. “Iniisip ko na what if namatay na rin ako kasama nila? Sa aming pito si Gemini ang tanging deserve ma-buhay.” tumingin lamang sa kaniya si Cindy habang pinapahiran ang luha. “I don’t know why god give second chance. Pero alam ko na, para pagsisihan ko ang lahat ng kasalanan ko.” yumuko si Veronica hiding her tears. “Lahat ng mga tao ay galit sa akin. Lahat ako sinisisi. Lahat sinasabi na bakit hindi na lang ako ang namatay. Lahat ako ang tinuturo na salarin. Pati mga magulang ko pinagduduhan ako.” nag-angat siya ng tingin. “I can’t say how quickly you’ll learn to forgive me, to forgive us” sagot ni Veronica, “But I hope, at least, you can give me a chance to show how much I’ve changed. I know it won’t be easy, but I hope you can find a place in your heart to forgive us.”

Tumagal ng ilang sandali bago makapagsalita si Cindy, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa mesa, nagmumuni-muni sa mga salita ni Veronica. “Maybe I need more time to think.” ika ni Cindy. “Veronica Santos?” agad lumingon si Veronica sa bar counter, tumayo siya ng makita ang cake na naka-balot sa pink box. “But thank you for coming forward and admitting your mistakes. It means a lot to me.” dagdag ni Cindy bago siya tumayo binigyan niya na malamig na tingin si Veronica.

Sinundan siya ni tingin ni Veronica ng magsimula ng umalis si Cindy habang nagpahid ng luha. Hindi niya maialis ang mga mata kay Cindy. Sinundan niya ng tingin si Cindy hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin, ng makaliko ito sa. Doon nagtatapos ang kanilang usapan.

******

“Pasensya na kung ngayon lang ako dumating, nga pala paborito mo ‘yan.”

Nang makalapit na si Veronica kay Gemini, inabot niya ang maliit na regalong inihanda. “Woah--how did you know--oh my god! I love this cake!” nagliwanag ang mga mata ni Gemini habang tinatanggap ang regalo. "Sana hindi ka na nag-abala. Pero salamat. Hindi ko inaasahan na alam mo na favorite ko ‘to.” Ngumiti si Veronica. “Eh parati iyan ang baon mo maliban sa sandwich.” “Uh, thank you.” Ika ni Gemini at nag yakapan ang dalawa. “Ah! Before I forgot! I actually have something prepared." “Why does it seem like I'm the one being prepared for?” pabirong tugon ni Veronica

“Come on, you're the only best friend I'll introduce to my parents.”

Veronica remained silent, feeling happy to hear this from Gemini.

“Lets’ go?”

“Okay, tara na.”

Imagine Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon