Chapter 22: Fallen

238 20 49
                                    

Fallen


"Have you already talked to Adelaide?" tanong ko kay Leon habang nasa silid aklatan kami.

Lumingon siya sa akin. "I have, sabi niya ay bigla nalang siyang hinarang ng mga kalalakihan nang pabalik siya dito at dinala doon sa bundok..."

Tumango ako. "May sinabi ba siya tungkol sa mga iyon?"

Binaba niya ang librong hawak niya at sumandal sa upuan. "Hmm... they have those bracelets too," sagot niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako at tumayo na lamang. "Tell the guards to search and guard even the walls outside our city..." utos ko sa kanya. "It's not safe anymore."

Lumabas ako ng palasyo at agad narinig ang ingay dahil sa fiesta na nagaganap sa buong siyudad. When winter comes in Auroravale, my people feast and celebrate it because it symbolizes their leader... which is me.

Nababalot na ng nyebe ang buong paligid kaya ngumiti ako. The surrounding looked nothing but green, because of the trees, and white because of the snow. Ang mga bahay ng mga mamamayan ay natabunan ng nyebe at ang mga tsimenea nila ay umuusok.

I was wearing my cloak and the hood was over my head, lumabas ako ng palasyo para makita ang kaganapan sa labas nito. Nababalot ng mga palamuti ang karsada at may mga nagsasayawan.

Lumingon sa akin ang kababaihan na sumasayaw at agad yumuko, akala ko'y hanggang doon nalang ngunit hinila nila ako at nilagyan ng bulaklak ang tenga ko.

The woman held both my hands. "Let's dance, Empress!" aniya.

Umiling ako at nahihiyang ngumiti. "No, hindi ako marunong."

"Come on, let's celebrate winter with its queen!" nakangiting anyaya nila sa akin.

Wala na akong nagawa at nagpatangay nalang sa kanila, I was smiling all ears. Na para bang walang digmaan na paparating, ngunit masama ba kung hayaan ko muna ang sarili ko na magsaya kasama ang mga nilalang na pinoprotektahan ko sa abot ng aking makakaya?

Hinawakan ko ang dulo ng aking kasuotan at sumayaw kasama ang mga nilalang na nakapaligid sa akin. There was lively music in the background created by the city's musicians.

Nabalot ng tawanan ang buong paligid ng dumating ang mga bata at sumali sa amin, a little girl held my hand and then we started dancing together.

Nawala ang ngiti ko ng nakasalubong ko ng tingin ang lalaking nanonood sa akin, nakasandal siya sa pader ng tindahan ng mga lason at ang dalawang kamay ay nasa dibdib niya, pinagkrus ito.

He had a smile while he was looking at me dancing, tuwang-tuwa sa nakikita niya. His gaze was piercing my soul, hindi man lang nahiyang tumitig sa akin.

Pinakawalan ko ang kamay ng bata na ka sayaw ko at nagpaalam sa kanila na aalis na muna. I went to Percival's place, umayos naman siya ng tayo at hinintay ang pagdating ko.

"What are you doing here?" inayos ko ang manggas ng aking damit.

"I came to wait for Lord Romer but I stopped when I saw the snow dancing with her people,"

Overwhelmed because of what he said, I drifted my gaze to something else and then I saw Lord Romer riding his horse. "Oh, it's Lord Romer!" I caught his attention.

Tumalon siya sa kanyang kabayo at agad nag bigay galang sa akin. "What a lively town you have here, My Lady..." bati niya sa akin.

Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti. "It's a good thing that you are tasked to be here, makakasali ka sa pagdiriwang ng mga mamamayan," saad ko. "I'm glad that you're here, Lord Romer," I added.

The Enchantress of Snow (Delaney Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon