Chapter 16

350 23 1
                                    

Ainsley Krishnan Marquez

Natapos ang buong klase ko ng walang kahit na ano akong naintindihan. Nakakasagot naman ako sa mga oral exams kahit papaano. Pangalan ko pa ang laging bukambibig ng mga guro dahil palaging wala sa klase ang isip ko.

"Seat down, Mr. Marquez and next time pay attention to my class," paalala sa akin ng P.E professor ko, matapos 'kong sagotin ang tanong niya.

Kagat labi akong tumango at umupo. "Thank you," I replied and then she continues the discussion.

Itong kurso ko pala ay BSED major in Physical Education. Si Mommy ang pumili at sino naman ako para humindi diba? Gaya nga ng sabi ko, ngayon lang ako 'di sumunod sa gusto nila. Okay naman sa akin 'tong kurso ko di naman rin masama dahil sa kompanya rin naman namin ako babagsak. Unlike, Theodore, the favorite child nasa medical field.

Alas kwatro ng matapos ng klase ko. I checked my phone at ang daming mensahe mula kay Adam.

"Ainsley, are you avoiding me?"

"Baby? May problema ba tayo?"

"Babe, answer me or else."

"You kissed me back tapos ngayon iiwasan mo ako? You didn't let me explain, again."

"Ainsley Krishnan M. Grimaldi."

Iilan lang 'yan sa mga text niya sa'kin 'yong iba hindi ko na binasa pa, at ang kapal ng mukha para idugtong ang apelyido niya sa pangalan ko!? Ang laswa!

I sighed. Hinanap ko ang numero ni Atlas at saka ko 'yon tinawagan. Ilang segundo pa bago may sumagot.

"Pick me up! Now!" bungad ko kaagad.

"S-sino 'to?" sagot sa'kin.

Napakunot ang noo ko. I checked kung tama bang si Atlas ang tinawagan ko at tama naman, dahil pangalan niya ang nasa phonebook ko.

"Who are you?" tanong ko pabalik?

Nawawala ba cellphone niya? Sino naman 'tong sumagot?

"Ako unang nagtanong, kaya ako muna ang sagotin mo," ani ng kabilang linya.

Napangiwi ako.

What the hell! Ang lakas ng loob.

"Love, sino 'yan?" rinig ko sa kabilang linya at hindi ako nagkakamali si Atlas 'yon.

"Hindi ko alam, hindi naman naka save sa phonebook baka kabit mo?" sagot niya sa kapatid ko.

Napangiwi ako! Ako kabit? Napagkamalan pa akong kabit walanghiya ka, Atlas! Bakit hindi naman nakasave ang numero sa cellphone niya?

"Pakibigay kay Atlas 'yong phone. Tell him, it's Ainsley, kapatid niya," ani ko.

"A-ah..o-okay... sorry," sambit niya. Parang nahiya at natataranta.

Siya ba 'yong boyfriend ni Atlas na sinasabi nila? Hmm! Magkikita din kami, kabit pala ah!

"Ains? You called?" This time si Atlas na ang sumagot.

"Save my number, you asshole! Para hindi ako mapagkamalan na kabit mo!" asik ko.

"Sorry 'bout that. Seloso kasi ang boyfriend ko," he said and chuckled. "So, what's up? Bakit ka napatawag?"

I sighed. "Ayoko na kay Grimaldi! 'Dyan na lang ako titira sayo? Ayoko siyang makita, naalibadbaran ako. Hindi ko na nga kilala sarili ko dahil sa kanya, e." sunod-sunud na reklamo ko.

"Inaway mo na naman bayaw ko," asar ni Atlas sa'kin.

Isa pa to. Sarap nilang pag-untugin lahat.

"Kuya naman, seryoso kasi! Ayoko na manatili sa puder niya."

Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon