Chapter 22

673 28 3
                                        

Warning: Hate Speech, Discrimination


[] Ainsley Krishnan 

Marahas kong inilapag ang bote ng tubig matapos ko itong ubusin. Nandito ako ngayon sa convenience store, kumakain ng breakfast. Maaga akong umalis dahil sa sobrang hiya. Mabuti na lang talaga at hindi nagising si Adamson habang naghahanda ako.

Bakit ba kasi sa kwarto ko siya natulog? Tapos naalala ko pa ang mga ginawa kong kababalaghan kagabi. Naalala ko ang pag-amin ko sa banyo, ang mapusok na halikan namin sa loob ng sasakyan, at kung paano ko siya gilingan habang nakaupo sa hita niya. Every touch, every moan, and every dirty word he whispered—everything came back in vivid, embarrassing detail. I even told him that I liked him! 

Gusto kong lamunin ng lupa sa sobrang hiya, pero kasabay niyon ay ang kaba. He knows everything, kasi hindi naman siya lasing? O iisipin niya lang na dala lang iyon ng kalasingan ko?

Ginulo ko ang buhok ko dahil naiinis ako sa sarili ko. Kaya ako nandito ngayon sa convenience store sa labas ng school dahil ayoko siyang harapin. Nahihiya ako at hindi ko alam ang sasabihin once he brings it up. Nangupit pa ako ng pera para pamasahe at pangkain mula sa wallet niya.

Masyado pang maaga para sa klase ko; 7 AM pa lang tapos 10 AM pa ang first subject ko. I still have time to think about what to do. Sabihin ko bang prank lang iyon? Pero may prank ba na naglaplapan sa loob ng banyo? At hindi pa talaga nakontento dahil nag-make out pa kami sa loob ng sasakyan niya. Sarili ko lang ang niloloko ko!

Tapos itong suot ko ngayon, parang tanga lang. Naka-turtle neck ako na itim para matakpan ang leeg ko. Ang dami kong hickeys, pati sa likod ng tenga ko meron, kaya nilagyan ko na lang ng band-aid. Meron pa sa katawan ko—particularly on my chest and on my nipples. May kagat pa! Hayop na Grimaldi 'yan, bampira ba siya? Sinipsip niya lahat ng dugo ko sa katawan.

Paano pa kaya kung hindi ako nawalan ng malay? Tuluyan kayang may mangyari sa amin? Tapos ako ang bottom? Kung katawan ang pagbabasihan, talagang ako nga. Buti na lang talaga nawalan ako ng malay noon. Jusko! Mapapasabak ako nang wala sa oras—tapos ano? Goodbye virgin ass agad?

I shook my head, feeling my cheeks heat up. Tangina talaga! Hindi ko alam kung uuwi ba ako pagkatapos ng klase o ano.

"Ainsley? A-anong ginagawa mo rito?" Napalingon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Si Rey pala, kaklase ko.

"Ahm, breakfast?" naiilang kong sagot sabay pakita ng instant noodles na hinihintay kong lumamig.

"Ang aga pa, pre. Nandito ka na agad," sabi niya. Napakamot ako sa batok ko. "Maaga ka rin naman."

Tumawa siya. "Siyempre, nasa tapat lang ang bahay namin," he said, sabay turo sa kabilang kanto. "Ah," sagot ko na lang.

Umupo siya sa tabi ko. Nagtataka siyang nakatingin sa akin na tila may gustong sabihin. 

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi mo ba alam?" I frowned. 

"Ang alin?"

Tumikhim siya, tila nag-iisip. "Kalat sa GC natin na..." napatigil siya at huminga nang malalim, "...na bakla ka raw? Kaya ayaw mong magpakasal kay Katarina kasi may relasyon kayo ng kapatid ni Amara?"

"Ha?"

"Mag-seen ka kasi sa GC natin," Rey said. Agad kong kinuha ang cellphone ko. I checked my messages sa Messenger pero hindi ko makita ang GC na tinutukoy niya. I checked my message requests at doon ko nakita—ang daming unread messages.

I clicked the GC Rey was talking about.

"Kaya pala hindi ko 'yan nakikitang nakikipag-date sa babae, lalaki pala gusto! Tangina, gusto yata sumubo."

Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon