Chapter 12

395 22 4
                                    

Ainsley Krishnan Marquez

"Thanks," I uttered baba na sana ako mula sa kanyang sasakyan ng habulin niya ang braso at saka ako pinigilan.

I looked at him.

"What?" I spat.

"I'll pick you up later."

"Hindi na, kaya ko naman ang sarili. I can go home on my own," sagot ko at saka ko binawi ang aking braso na hawak niya.

Adamson sighed in defeat.

"Fine, pero inform once nasa unit ka na."

Tumango na lang ako bilang sagot. Bumaba na ako ng tuluyan mula sa kanyang sasakyan. I waved my hand at him as I closed the door and turn my back. Narinig ko rin na pinaandar na niya ang makina at saka umalis. Hindi ko na lang rin siya nilingon pa at nagsimula ng pumasok sa gate ng school.

Gaya ng sabi ko, ilang araw din akong absent. Magaling na rin ang paa ko, at ang totoo niyan ay kahapon ko pa sana gustong pumasok, pero si Adamson itong makulit at ayaw akong payagan. Huwag ko na lang daw ipilit dahil baka mamaga lang ulit, at sino naman ako para kontrahin siya diba? Mag-aaway lang kami.

"Ainsley!" tawag sa akin ng familiar na boses.

Napaismid ako bago siya tuluyang makalapit sa akin. Hindi ako lumingon at siya na ang nagkusang pumunta sa aking harapan at harangan ang aking daanan.

Who else?

"Katarina,"

She beamed a smile and then she pouted. Akala mo naman cute.

"I missed you and I'm happy to finally see you. Ilang araw akong pabalik-balik sa bahay 'nyo pero lagi kang wala 'don. Where have you been, Ainsley?" sunod-sunod na ani na siyang kinasakit ng ulo ko.

Pati ba naman dito sa school kailangan ko pang makipagbangayan sa isang 'to?

She sighed deeply at inabot ang kamay ko.

"Hindi mo ba talaga ako gusto, Ainsley?" tanong niya sa'kin.

"Tinatanong pa ba 'yan? This is just a set-up, Katarina. I don't like you. Why are you all forcing me into this marriage!" I blurted. Wala akong pakialam kung may nakarinig man sa amin.

I just want to clear everything between us at tigilan na nila ako.

I want to live my own life. This is my life at ako lang dapat ang masusunod kung sino ang gusto kong pakasalanan.

Nasa 24th century na tayo pero hindi pa rin nawawala 'tong arranged marriage na 'to. Nakakainis. Balak pa yata akong isunod sa yapak ng nga magulang ko.

"You're so mean. We can work this out, Ainsley. J-just like our parents," she reasoned out.

I pulled my hand mula sa pagkakahawak niya.

"I like someone else, Katarina."

Nakikita ko na rin ang panunubig ng mga mata niya, konti na lang at tuluyan nang papatak ang kanyang mga luha, ang oa.

I didn't mean to hurt her this way. Alam ko na malaki ang pagkagusto niya sa akin. Pero, anong magagawa ko?

I don't like her. Ilang beses ko ng pinamukha sa kanya na hindi ko siya gusto at hindi ko gusto itong nangyayari sa amin.

This all our parents' fault.

"Hindi ako naniniwala na gusto mo 'yung lalaking 'yon, Ainsley," edi wag.

"He is not just a guy, Kat. He's the one I like," pwe. Kung naririnig lang ako ni Adamson ngayon abot tenga ang ngiti 'nun.

Umiwas siya ng tingin sa akin. "I'm still not giving up on you," she said before she walked out on me.

Damn

Ang tigas ng ulo niya. Ipapabillboard ko na lang kaya na hindi ko talaga siya gusto para tigilan na niya ako. Kakabalik ko lang ng school pero ito at sira agad ang araw ko, parang gusto ko na lang umuwi. Mas gusto ko na lang na mabwisit kay Adam keysa mabwisit sa babaeng 'yon.

Few hours have passed at lunch break ko na. Amara and Ashley went to fast food to eat they invited me eventually but I refused. Ayoko maging thirdwheel at isa pa masasaktan lang ako ng harap harapan.

I choose to stay here in the soccer field at umupo dito sa may audience seat kung saan hindi mainit. Sinadya ko talaga na dito manatili dahil medyo hindi matao at imposibleng makasalubong ko dito sa Katarina.

Gusto ko siyang iwasan talaga. But thats imposible since nasa iisang school lang kami at siya mismo ang gumagawa ng paraan para makita ako, she seems to know all my schedule.

I sighed at nilibot ang tingin nsa paligid. May mga nagpapractice ngayon ng soccer pero nasa malayo silang dako, malaki rin kasi itong field then I saw two guys sitting not far away from me. They seem close to each other and to my surprise I saw the taller guy kissed at petite one.

I gulped.

What the hell?

They kissed?

In front of me?

Pero kahit na ganun na ang ginawa nila sa harapan ko hindi ko magawang umiwas ng tingin. Nakatitig lang ako kanila at akala ko simpling halik lang ang igagawad ng matangkad na lalaki pero laking gulat ko na lang mas nilaliman niya ang halik.

Napalunok muli ako.

Are they even aware that I'm here? Pero dapat hindi na ako tumitingin pa pero hindi ko magawang umiwas.

Ganun ba sila ka open sa relasyon nila at wala na silang pakialam kung may makakita man? I mean hindi naman ako againts sa ganitong relasyon but this is my first time seeing both guys kissing specifically in front of me. Isa pa, maraming judgemental sa paligid lalong lalo na 'yong mga taong ayaw sa same sex relastionship.

Nabalik lang ako sa realidad when they both looked at me, mabilis akong umiwas ng tingin at napayuko.

Nakita ko pang nahiya iyong maliit na lalaki at itinago ang mukha sa kanyang nobyo when I tried to look at them once again. The other guy wraps his arms around to the petite one and kissed his hair.

Sweet. I thought.

Suddenly, Adamson's face appeared in my thoughts. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit pumayag si Adam sa sitwasyon na 'to. Ang galing lang din naman mag suggest ng mga kapatid ko para hindi ako ikasal sa iba, lakas ng trip. Hindi naman epektibo, si Aswad pa rin ang masusunod, at least I tried.

And honestly deep inside I'm grateful with Adam. I do really appreciate everything he has done to me. Ayoko lang ipamukha sa kanya kasi lumalaki ang ulo at kakaiba ang trip. Nagiging clingy at nakakakilabot.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na, maybe he likes me. Which is impossible because I knew he is straight and he is just doing this because my brother asked him to.

'Yun lang 'yon.

Going back to the couple in front of me. Wala na pala sila sa harapan ko, mukhang nakaalis na yata ang nahiya sa'kin.

Bakit naman kasi ako nakatingin sa kanila. Pwede namang ako na lang ang umalis, nakakistorbo pa ako. Bumuga ako ng hangin, hay gusto ko na lang maging ibon, nakakalipad at malaya.

I stood up and decided to go back to my class since lunch is almost over, but before I could reach my room someone called my name.

"Ainsley Krishnan Marquez, right?" tanong niya.

Nagdadalawang isip pa akong tumango dahil kilala ko ang taong nasa harapan ko. She's one of the student council members.

"Your parents are in the guidance office, please come with me," she added.

Shit!

Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon