Ainsley Krishnan Marquez
Para akong pinagsakluban ng langit sa lupa sa sinabi sa akin kanina ng security guard. Halos hindi pa makagalaw mula sa kinatatayuan ko pero mabuti na lang talaga at nagawa ko pang ihakbang ang paa ko palabas ng establishment na 'yon.
I waited for him for more than an hour tapos malalaman ko lang na wala na pala 'don ang hinihintay ko. Nakakainis lang.
Gusto kong magalit pero inisip na kasalanan ko rin naman dahil ako ang nagpunta dito ng hindi sinasabi ko sa kanya. Pero kung sinabi ko ba? May magbabago ba? Aaalis pa kaya siya kasama ang Jess na 'yon?
Napahawak ako sa aking 'tyan. Kanina pa pala ako nagugutom, kinapa ko ang aking bulsa at meron akong 150 pesos pang natitira mula sa allowance na binibigay ni Adamson sa akin. Sa harapan ko merong fast food kaya dali dali akong pumasok doon at nag order ng pagkain.
"For dine in, sir?" tanong sa akin ng crew matapos kong sabihin sa kanya ang order ko. Isang chicken fillet ala king na solo at sundae. Sarap mag ice cream ngayon para ibuhos 'tong nararamdaman ko.
"Yes, for dine in please" sagot ko at ngumiti 'dun sa crew.
"A total of 139 pesos, sir," sabi uli ng crew. Inabot ko naman sa kanya ang natirang 150 na pera ko. "I received 150.. here's your change. sir," inabot naman niya ang sukli ko at saka 'yong order number ko.
Pero bago ako umalis sa harapan niya ay humingi muna ako ng service para pangtulak. Gipit na gipit ako dahil pati 'ata coke o value meal hindi ko ma afford.
Pagka dating ng order ko ay saka na ako kumain. Gutom na gutom na ako dahil kaninang tanghali pa ang huli kong kain, balik ko nga kasing sunduin si Adam at syempre magtatanong 'yong kung kumain na ba ako, magpapalibre sana ako ng samgyupsal kaso sumama pala sa iba. Ibang trabaho ato ang tatapusin nila.
Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang chicken filler ala king ko parang tatlong kutsara lang at ubos na. Nagugutom pa ako, kaya 'tong ice cream na lang ang dahan dahan kong kinain. I glanced at my watch at malapit mag ala onse ng gabi.
"Shit! May masasakyan pa kaya ako neto pauwi?" mahinang saad ko sa aking sarili. Napatingin ako sa labas nagsimula na palang pumatak ang ulan. Mukhang bukas pa 'ata ako makakauwi sa lagay na 'to. Tahimik na rin kasi ang daanan nakakatakot bumyahe ng mag-isa. Wala akong pera para pamasahe at pang taxi. Kulang na kulang 'tong barya ko ngayon, dalawang sakayan pa 'ata pauwi. Gusto ko mang tawagan si Amara pero baka tulog na 'yon dahil marami kaming ginawa activities kanina puro banatan ng buto lalo na sa mga major subject namin.
Gusto ko ng umuwi at humiga sa malambot kong kama. Habang iniisip ko 'yun halos maiyak ako. Tumingin ako sa kinakain kong sundae malapit na siyang maubos. Mas lalong gusto kong umiyak.
"Fuck....Ainsley!" tawag sa akin ng pamilyar na boses. Napakurap ako ng ilang beses bago ako lumingon sa pinanggagalingan ng boses niya.
Mabilis siyang nakalapit sa akin habang hinihingal, basang basa pa siya ng ulan.
"Adam..." I murmured.
"God! Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka sa trabaho ko? Pinag-alala mo na naman ako! Kung hindi tumawag si Amara at tinanong kong kasama ba kita, hindi ko pa malalaman na hindi ka pa pala nakauwi!" sunud-sunod na alburoto niya. Nakikita naman ang pag-alala sa mga mata niya pero hindi ko maintindihan kong bakit siya 'tong galit na galit.
Ako dapat ang magalit sa kanya.
Hindi ko siya sinagot. Bumaling lang ulit ako sa aking harapan at saka isibubo ang huling laman ng ice cream ko. Ubos na talaga, nakakaiyak.
"Bumalik ka 'don kay, Jess. Baka naistorbo ko pa ang trabaho na tinatapos 'nyo," simpleng saad ko at nasa labas parin ang aking tingin.
Hinila ni Adamson ang upuan at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]
Roman d'amour[BXB - MATURE CONTENT]Just to get away from his arrange marriage. Ainsley dropped the bomb to his family saying he is Gay and doesn't want to get married. To prove it. Ainsley finds someone suitable to be his fake Boyfriend. Adamson Grimaldi.