Chapter 26

385 23 4
                                    

Warning: SPG.

Matamlay ako buong maghapon hanggang gabi. Hindi ako masyadong nagsasalita na kahit habang nasa hapag kami kasama ang pamilya ni Adamson na kumakain ay wala akong imik.

Hindi naman talaga ako maingay pero kadalasan kapag kumakain kami, Adamson would always tease me tapos nakikisali na rin ang parents niya pati si Amara. Kaya laging nauuwi sa tawanan at kami naman ni Adamson ay hindi maiwasang hindi magbangyan. Habang tumatagal kasi nasanay na ako kasama ang pamilya Grimaldi.

Pero ngayon tanging tunog lang ng mga kubyertos namin ang gumagawa ng ingay.

Matapos ang hapunan ay nandito ako sa labas ng bahay nina Adamson nakaupo at nagpapahangin.

I let out a deep sigh. I took a sip on my lemonade na gawa ni Adamson para sa'kin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang usapan namin kanina ng Ama ni Katarina. Patuloy pa rin akong binabagabag sa ideya na kaya niyang saktan ang pamilya ni Adamson masunod lang ang gusto nila.

Kinuyom ko ang aking kamay at ang mga luha ko ay nagbabadyang tumulo kasi wala akong magawa.

They want me.

"Anak, ayos ka lang ba?" agad akong napaayos ng upo at mabilis na pinahid ang aking luha bago lumingon.

"K-kayo po pala, M-mom," ani ko sabay tingin sa direksyon ng Ina ni Adamson.

Ngumiti ako sa kanya at gano'n din siya sa akin bago umupo sa tabi ko.

"May problema ba, 'nak? Kanina ko pa kasi napapansin na sobrang lalim ng iniisip mo," sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Tungkol lang po sa school. Malapit na kasi ang midterm," pagsisinungaling ko.

"Adamson is worried. He asked me to talk to you dahil alam niyang hindi ka rin magsasabi ng totoo sa kanya gaya ng ginawa mo ngayon sa akin," Mom took my hand and held it tight. Napatingin naman ako sa kamay naming dalawa. "Ainsley, gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari nandito lang kami para sayo. My son loves you and we love you too, kaya kahit anong mangyari wala kang kasalanan," she added and touch my face gently.

Tuluyang tumulo ang luha ko kaya mabilis niya akong niyakap ng mahigpit, napayakap na rin ako at mas lalong umiyak sa mga bisig ng Ina ni Adamson.

The thought na kahit kailan ay hindi 'to gagawin ng sarili kong Ina pains me more.

Pumasok ako sa loob ng aking kwarto ng mugto ang aking mga mata. Ilang minuto rin akong umiyak at binuhos ang sakit ng nararamdaman bago 'ko naisip na pumasok ng silid.

Nagulat naman ako ng naabutan si Adamson sa loob, naghihintay sa akin.

"Adam," tawag ko ng makita ko siya

Agad siyang lumingon sa direksyon ko at mabilis na tumayo para lapitan ako.

"Are you okay? Did Mom made you cry?" nag-alala niyang tanong, hinawakan niya pa ang mukha ko at sinuri kung pina-iyak ba ako ng Ina niya

I chuckled. "Hmm, ang galing magpaiyak ng mama mo," natawa kong saad. Adamson only smiled at me bago niya tinawid ang space sa pagitang naming dalawa at hinalikan ang labi ko.

He gave me a smack.

"I know ang dami niyang tinatagong words of wisdom," he said at saka pinagdikit ang noo naming dalawa. "Pero gusto kong tandaan mo, Ainsley. Kahit anong mangyari mahal na mahal kita so please. Please, don't make drastic decisions, alright?"

I nodded at him. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang iparating sa'kin pero hindi ko alam kung ano.

"Alright and I love you too Adamson," sagot ko sa kanya.

Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon