Chapter 7

1.1K 72 18
                                    


[] Ainsley Krishnan Almari-Marquez


Ilang beses na akong napalunok dahil sa uri ng tingin na pinupukol ni Daddy sa akin at kay Adamson. Halos maihi na rin ako sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Pero itong katabi ko ay parang wala lang.

Nandito kami ngayon sa mansyon. Sarap saksakin nitong si Adam, bakit pa kasi siya pumayag at paunlakan itong gusto ni Dad. Pwede naman niyang huwag nang pansinin 'yon.

"Wala bang magsasalita sa inyong dalawa? Baka gusto niyong habang buhay na tayong magtititigan dito." Dad said. Napamura na lang ako sa aking isipan dahil sa boses niya. Bakit ba kasi tunog demonyo itong boses niya. Na para bang konting galaw mo lang ay lalamunin ka ng impyerno.

Napatingin ako kay Adamson at saktong lumingon rin siya sa akin. I gulped and he just looked at me na para bang pinaparating niyang magtiwala lang ako sa kanya. Makakalabas rin kami sa bahay na ito ng buhay.

Adamson held my hand tightly. Naka holding hands kami sa harap ng mga magulang namin. I even heard Mom breath heavily.

"D-dad, Mom." Ani ko. Huminga naman ako ng malalim. "I'm sorry k-kung itinago ko ito. P-pero ito ang totoong ako." Muli akong tumingin kay Adamson. I looked at him in the eye para kapanipaniwala itong drama namin. "B-bakla po ako at mahal ko po si Adamson, alam kong ganun din siya sa akin." I added bago ako muling tumingin sa mga magulang ko.

Mom hissed as she stood up. She looked at me with so much disappointment in her eyes bago niya kami iniwan.

"Sa tingin niyo ba maloloko nyo akong dalawa? Ha!" Daddy said.

"Mawalang galang na po, Sir. Pero totoo po ang sinabi ni Ainsley. Nagmamahalan po kami at hindi po ako papayag na may ibang magmamay-ari sa kanya." Adamson said. Mas humigpit pa ang paghawak niya sa kamay ko.

Dad clicked his tongue. "Magkano ba ang binayad sayo ng magaling kong anak para dito. Mr. Grimaldi." May halong pang iinsulto na ani ni Daddy kay, Adamson.

Adamson chuckled before he cleared his throat.

"Sir, I Am wealthy enough para patunay sayong hindi pera ang habol ko. I love Ainsley. I love your son!"

"I Am still not convinced." Dad said sabay tingin sa akin. Halos mahigit ko naman ang aking hininga sa uri ng tingin na binibigay niya sa akin. He's mad. Dammit. "Kapag napatunayan kong niloloko mo lang ako. I will disown you just like your brother! Wala na kayong ginawang tama, para sa akin!" Galit niyang sa saad akin.

"Dad--"

Hindi ko natuloy ang dapat ko sanang sasabihin ng bigla akong hilahin ni Adamson palapit sa kanya. He held me on my waist bago niya ako hinalikan sa harap mismo ng aking ama.

Akala ko isang simpleng halik lang ang igagawad niya sa akin. Pero nagulat na lang ako ng biglang niyang kagatin ang ibabang labi ko. He took his chance to shove his tongue inside my mouth at galugarin ang bibig ko.

Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa balikat niya at hayaan siya. Kahit gusto ko na siyang itulak.

When he let go of my lips ay hinalikan naman niya ang tungki ng ilong ko. He then smiled at me sweetly. Argh!

"I think it's enough for you to say na hindi kami nagbibiro sa relasyon namin, Sir." Adam said.

"Y-you! Get out of my house! Take him out!" Nanginginig na ani ni Daddy kay Adamson. Sunod-sunod naman na sumulpot ang mga bodyguards ni Daddy at saka nila hinila si Adamson palabas.

"Daddy, please." Pagmamakaawa ko. "Teka lang, bitawan niyo siya. Adam!" Pagpigil ko sa mga bodyguards ni Daddy.

"Halika ka ditong bata ka!" Daddy said at saka niya ako pinaghihila papasok sa kwarto ko.

He slammed the door on my face at alam kung ikukulong niya ako dito.

"You will never see that man again!"

"Daddy! Ilabas mo ako dito. Dad!"

"Tumahik ka, Ainsley! Hindi ka ba nahihiya? Ilalagay mo lang sa kahihiyan ang pamilya natin." Galit na galit niyang ani mula sa labas ng silid.

"Dad, please. Hayaan muna kasi ako sa buhay ko. Dad!"

Napasabunot na lang sa buhok ko. Sabi na eh. Isang maling desisyon talaga ang pumunta dito.


Mabilis ko naman na kinuha ang cellphone and called Adamson's number. Ilang beses ko pa siyang tinawagan hanggant sa sagutin niya ang tawag ko. Sana ayos lang gagong iyon. Bakit pa kasi may pa halik halik pa siyang nalalaman sa harapan ni Daddy.

Gago talaga.

Kinuha niya first kiss ko. Tangina.

"Hey?" Sagot niya sa akin.

"Hey mo mukha mo! Kasalanan mo ito eh! Sinasabi ko naman sayo na huwag na tayong pumunta dito. Kinuha pa mo first kiss ko, hayop ka!" Paninisi ko sa kanya.

He didn't say anything but I heard him groaning in pain.

Bigla akong kinabahan. Hindi naman siguro siya binugbog ng mga tauhan ni Daddy. Sana talaga.

"A-ayos ka lang?" Nag-alalang tanong ko.

"Yeah. Sakit pala manuntok ng ama mo." Natatawa niyang saad.

I sighed.

"At talagang sinundan ka pa niya para suntukin. Talaga bang ayos ka lang?"

"Are you worried about me, babe? If that is the case I'm fully healed."

"Gago! Pinagsasabi mo."

Narinig ko naman siyang napabuntong hininga ng malalim sa kabilang linya.

"Ikaw, ayos ka lang ba dyan?" Tanong niya sa akin. Ramdam ko naman ang pag-alala sa boses niya. Na medyo nagbigay ng kilabot sa akin. He doesn't need to be so concerned.

"Yeah. Sa ngayon ewan ko lang mamaya." Pag susumbong ko na parang bata.

"I'll get you out in there, just wait for me."

"You better be kasi kasalanan mo ito. Tss! Just let my brother know. They will help you."

"Alright. Take care babe."

"Mukha mo!" I said and ended the call.

Pagod ako humiga sa kama ko. Bigla naman sumagi sa isip mo ang paghalik sa akin ni Adamson kanina. I touched my lips.

That was french kiss!

Pero bakit parang nasarapan ako ng konti sa halik na iyon? Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong pandidiri?

What the hell! 

_______________________

To be Continue...

Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon