[] Ainsley Krishnan Almari-Marquez
Pagka apak ko pa lang sa paaralan ay sinalubong kaagad ako ni Katarina. Umaga pa lang masasabi ko nang sira na talaga ang araw ko.
"Oh my God! What happened to your face, Ainsley." Ang nag-alala niyang turan sa akin. Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang mukha ko para makita niya ng maigi ang aking pasa.
"Masakit ba?" Tanong niya.
Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko. Ang kapal niyang tanungin ako kung masakit ba. Samantalang siya naman ang dahilan kung bakit ako nasapak ng magaling kong ama.
"Hands off." Ang seryosong saad ko sa kanya. "You wanna know where I get this bruise? Thanks to you Katarina, dahil sa ginawa mong pagsumbong sa ama ko. I got this. Thank you." I sarcastically said.
"I d-din't mean it, Ainsley. N-nasaktan lang kasi ako sa ginawa mo sa akin. You're ignoring me. You acted like you don't like this engagement." Nakayuko niyang saad sa akin tila ba nagsisisi siya sa kanyang ginawa.
"Kasi hindi naman talaga." Tumigil ako at huminga ng malalim. Nakita ko naman na umiwas siya ng tingin sa akin. Alam ko na alam niya na hindi ko gusto itong set up namin. Hindi naman siya manhid para hindi makaramdam. "Hindi ako ang lalaking para sayo, Katarina. Hindi ko kayang talikuran ang taong gusto ko para sayo." Pag-aamin ko sa kanya.
Nag angat siya ng tingin sa akin at bakas ang gulat sa kanyang mga mata. I even saw pain in her eyes. "You l-like someone else? That is not true!"
I brushed my hair frustratedly.
"Yes. I love him so much."
"H-him?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
I nodded at her.
She was about to say something when the bell rang. I bid her goodbye bago ako tumalikod at umalis sa harapan niya.
Ilang beses pa niyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinakinggan pa. I have no reason to listen to her. I have no reason to tell her anything. Bahala na siyang mag conclude sa anong iisipin niya.
Ang importante ay mawala siya sa landas ko.
Pagdating ko sa room namin ay natanaw ko kaagad si Amara. Napahinto ako sa may pinto habang nakatitig sa kanya.
For me she's the most beautiful girl I've ever seen. Siya lang ang tanging babae na gusto kong makasama habang buhay. Ang babae na pinangarap ko.
Mapait akong napangiti ng makita ko siyang nakikipag kulitan kay Ashley. Her girlfriend. Muli na namang sumikip ang puso ko.
Masakit makita ang taong mahal mo na masaya na sa piling ng iba. Ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na sabihin sa kanya itong nararamdaman ko.
"Ainsley, what are you doing there. Hey!" Tawag sa akin ni Amara ng mapansin niyang kanina pa pala ako nakatayo sa labas ng classroom. "Oh my! What happened to your face?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Wala to. Malayo sa bituka." Natatawa kong ani at saka naman ako umupo sa aking upuan.
She sighed. "Alright. Sa susunod kasi wag na makipag away. Hindi bagay sayo ang maging basagulero." Amara said sabay gulo ng buhok ko. Hindi ko na sinabi sa kanya ang totoong nangyari. Ayokong mag-alala na naman siya sa akin.
Matapos ang klase ay nauna nang umuwi sa akin sina Amara and Ashley. May date pa raw silang dalawa kaya nagmamadaling umalis.
Naiwan akong nag aayos ng gamit ko. Until one of our classmates approached me.
![](https://img.wattpad.com/cover/224994395-288-k300069.jpg)
BINABASA MO ANG
Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]
Romansa[BXB - MATURE CONTENT]Just to get away from his arrange marriage. Ainsley dropped the bomb to his family saying he is Gay and doesn't want to get married. To prove it. Ainsley finds someone suitable to be his fake Boyfriend. Adamson Grimaldi.