Ainsley Krishnan Marquez
I woke up six in the morning the next day. Masyado pang maaga kaya naghilamos muna ako ng mukha at nag toothbrush na rin, buti na lang talaga may mga gamit dito sa loob ng banyo na hindi pa nagagamit na intended for their guest talaga.
Hindi na muna ako naligo dahil wala pa akong pamalit at mabango pa naman ako. I decided to went downstairs since nauuhaw ako. Pagbaba pa lang nakasalubong ko si Adamson na mukhang galing lang sa labas.
"Goodmorning," bati niya sa'kin sabay lapag ng mga dala niyang gamit.
"Morning," napatingin ako sa mga dala niya and to my surprise. "Maleta ko 'yan," turo ko sa gamit.
"Ah yeah, kinanuha ko na ang ibang gamit mo sa condo para naman may magamit ka dito. Sabihin mo lang kung may ibang gamit ka pang nakalimutan kong dalhin," sagot niya sa akin.
I sighed.
Ang aga naman 'ata niyang nagising? It's still six in the morning. Dumapo ang tingin ko sa mukha niya, pinagpapawisan siya. Tsk! Pogi pa rin tignan, hayop na yan!
"Thank you, Adam. But you don't need to do this. Wala ka bang pasok?"
"I'll do anything for you, Ainsley and yeah nag file ako ng emergency leave muna," napatitig lang ako sa mukha niya dahil wala akong maisagot. "Anyway, iakyat ko lang 'to sa kwarto mo and let's have breakfast together," he added.
Tumango lang ako at siya naman ay nagsimula ng umakyat sa taas dala ang mga gamit ko habang sinusundan ko siya ng tingin.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Lalo na't nakikita ko na lang ang sarili na natutulala sa tuwing bumabanat siya. Para akong naduduwal na ewan!
Nang mawala si Adam sa paningin ko ay nagpunta na lang ako ng kusina. Malaki ang bahay nila, maaliwalas pa. Mas gusto ko ang ambiance ng bahay nila para bang hindi ka na-a-out of place dito. Ramdan ko na welcome na welcome ako.
Pagpasok ko ng kusina ay nakita ko ang Daddy ni Adam na nagkakape sa may island counter, nakaupo sa mataas na stool at nagbabasa ng newspaper. Kagat labi akong tumalikod at bumalik sa pinanggalingan ko ng bigla siyang magsalita.
"Ainsley, goodmorning, ijo," ani sa akin ng Ama ni Adam kaya mabilis akong napaharap dito ulit.
I flash an awkward smile.
"G-goodmorning po, tito," halos bulong kong ani pero alam kong narinig naman ako ni Tita.
"Have a seat, gusto mo ba ng kape o gatas?" alok niya sa akin.
Dahan dahan akong lumapit sa bakanteng upuan at umupo.
"K-kape na lang po," kinakabahan kong sagot.
He nodded at me at tinawag ang isang katulong saka inutusan na ipagtimpla akong ng kape. After a few minutes ay dumating na rin ang kape ko.
"Thank you," sabi ko sabay ngiti kay Ate na nagtimpla ng kape.
Tahimik lang akong nakaupo habang paminsan-minsan kong sinusulyapan si Mr. Grimaldi. Gwapo siya at kahit na may edad na ay hindi mo 'yon maitatanggi talaga. Manang mana sa kanya si Adamson hindi lang ako sure kung pati ang pag-uugali.
I flinched when Mr. Grimaldi put down the newspaper at saka humigop sa kanyang baso. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan wala naman siyang ginagawa para ikatakot ko. Kalmado lang siyang nagkakape at ako lang talaga 'tong hindi maintindihan ang sarili.
"So, ilang buwan o taon na kayo ng anak ko?" biglang tanong niya sa akin.
"Ho?"
"I mean, you guys are dating right?"
BINABASA MO ANG
Marquez Brothers: Ainsley Marquez [BXB]
Romansa[BXB - MATURE CONTENT]Just to get away from his arrange marriage. Ainsley dropped the bomb to his family saying he is Gay and doesn't want to get married. To prove it. Ainsley finds someone suitable to be his fake Boyfriend. Adamson Grimaldi.