16 - Drunk

48 16 0
                                    

CHANDRIA LILY LOPEZ

Woking up next to Reid is the best thing that ever happened to me. I traced my finger to his face, memorizing every part of it.

"Hmm," napaungol ito at ilang sandali ay nagising narin. Nakangiti itong napatingin saakin at muling pumikit tsaka ako hinila papalapit sa kanya.

"Good morning, lovely Lily." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. "What's with the lovely?" Mahinang tanong ko.

"Because you're lovely, Lily. Where's my greetings?" Muli itong napadilat at tumingin saakin. Kaagad ko siyang hinalikan at sinunggaban niya naman ang halik ko.

"Good morning, Reid." Bati ko. Isiniksik ni Reid ang ulo niya leeg ko at hinalikan niya iyon.

"Reid, sobrang sakit ng katawan ko," sabi ko sa kanya napahinto naman ito at nag-angat ng tingin, "I got you, Lily." Then he owns my lips again.

Maganda ang gising ni Reid, unlike mga nakakaraang araw na wala siyang tulog, laging nakabusangot at laging galit sa mundo.

"Hurry, we're going to be late." Aniya na ikinasama ng tingin ko.

"Kung buhatin mo kaya ako? Sobrang sakit ng katawan ko, nananadya ka ba?" Inis kong tanong kay Reid, napatawa naman ito at lumapit saakin.

Binuhat niya ako hanggang banyo niya at naligo kaming dalawa, na may kasamang sex ulit.

"Naaadik ka na, Reid." Sabi ko nang sabunin na niya ang katawan ko.

"Sayo lang maadik, Lily." Napangiti ako ng pait sa sinabi niya kaya napatingin si Reid saakin.

"Why?" Tanong niya. "Wala," sagot ko kaagad. Hinarap naman ako ni Reid at binuksan ang shower.

"What's bothering you, my Lily?" I smiled a bit when he said my Lily.

"Can you love me, Reid?" I asked, natigilan siya at unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya.

Napatawa ako ng mahina at tumalikod sa kanya. Hinayaan na tumulo ang luha ko sa agos ng tubig na dumadampi sa balat ko.

"You don't need to answer, Reid. Hindi ako nagmamadali." Nilingon ko siya at ngumiti, ganon parin ang ekspresyon niya kaya hinarap ko siya at hinalikan sa labi.

"You don't need to rush. Hindi naman madaling mag-move on at palitan kaagad ang sampung taong pagsasama niyo ni Luxury, lalo na sabay pa kayong lumaki. But I'm okay, even if you choose to be with her, at least I have no regrets in loving you, Reid."

Muli ko siyang hinalikan sa labi at iniwan na siya sa banyo pagkatapos kong kunin ang roba. Kaagad akong nagtungo sa kwarto ko na katapat lang ng kwarto niya at sumandal sa pintuan, pagkapasok na pagkapasok ko.

Humikbi ako ng mahina doon dahil sa kirot ng puso na nararamdaman ko. I chose this. We chose this, Lily. Expected mo na iyon. Na kahit kailan, hindi ka magkakaroon ng lugar sa puso ni Reid.

***

After taking a hot shower, medyo naging okay narin ang nararamdaman ko, though, paika-ika parin ako na hindi ko pinahalata sa mga kaibigan at kapatid ko.

Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong magsuot ng light make up. Nakasuot din ako ng simpleng tshirt, at shorts lang para makagalaw ako ng maayos mamayang hapon.

Nagdala narin ako ng extra kong damit, at pumunta ako sa kwarto ni Reid, "dala ka ng extra mong damit," sabi ko nang makita ko siyang nagbibihis. Ngumiti naman ito at bumalik sa banyo niya, dahil nandoon ang walk-in closet niya.

Hirap na hirap akong makababa ng hagdan, nagulat naman ako nang ilahad ni Reid ang palad niya saakin, "hold my hand, or bubuhatin nalang kita?" Inirapan ko siya pero kaagad ding humawak sa kamay niya.

Twisted Fate (Reid Sierra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon