31 - Suarez

64 18 0
                                    

CHANDRIA LILY LOPEZ

Nasa sala ako ng mansyon at hinihintay na makauwi si Reid, may inutos kasi ako sa kanya at mag-iisang oras na pero wala parin si Reid. Hindi naman 'yun ganong malayo! O baka nahihirapan lang maghanap? Pero pagkakaalam ko e, meron ng nabibili sa ganitong oras.

"Here," napangiti ako ng abutin ni Reid ang strawberries fresh from Baguio. Pero si Reid ay lukot na lukot ang mukhang napaupo sa sofa dahil sa utos ko sa kanya. Bakit?

***

Nagising ako nang madaling araw nang makaramdan ng gutom. Tulog pa si Reid kaya bumaba ako at naglakad sa lamesa, pero wala akong mahanap na gustong kainin. Mag aalas kwatro palang ng umaga kaya alam kong tulog pa sila manang para ipaghanda ako ng makakain, kaya nang wala akong manahap na gustong kainin sa ref, ay napapunta ako sa pantry. Pero napaiyak ako nang maging doon ay wala din akong gustong makain.

Umiiyak akong bumalik sa kwarto namin at ginising si Reid. Napaupo kaagad ito nang makitang umiiyak ako.

"Hey, what happened?" Tanong niya habang kinukusot ang mga mata. "Gutom ako, Reid." Hikbi kong sabi sa kanya, napatawa naman siya ng mahina at lumapit saakin tsaka pinunasan ang luha sa mukha ko.

"I'll get you some foods," sabi niya na ikinailing ko bigla.

"Been there. I didn't wake you up dahil sarap ng tulog mo. But when I went there, wala akong mahanap na gusto kong kainin." Humihikbi parin ako nang sabihin ko iyon, nakirot pa ang puso ko nang hindi ko makuha ang gusto ko.

"Sshh, don't cry. Sabi ni Mira bawal kang ma-stress diba?" Napakagat ako ng labi at pinipigilang umiyak. "Ano ba gusto mo?" Natatawang tanong niya.

Napaisip naman ako kasi hindi ko din alam kung anong gusto ko. "Something sweet and sour?" I asked, nagtataka namang napatingin si Reid saakin. "There's a lot of sweet and sour foods, wife." Muli akong napaiyak pero kaagad na niyakap ako ni Reid at natatawang inaalo ang likod ko.

"Be specific, wife." He gently said. "'Yun nga e, hindi ko alam. Ang daming pagkain sa ref at pantry pero wala man lang akong nagustuhan doon!" Reid pursed his lips in amusement.

"I want strawberries." Bulas ko bigla na ikinatawa ni Reid. "Pero wala pang bukas—"

"Meron," sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko. "Saan?" Tanong niya, napangiti naman ako ng malawak pero lumukot na ang mukha niya nang hindi ko pa nga sinasabi kung saan.

"Lily, malayo at isa pa madaling araw pa." Tumango ako sa sinabi niya, "madaling araw, means sariwa pa. Go! Go, buy me strawberries, hubby!" I pushed him hard to get him off of the bed. Asar naman itong napatayo.

"Oh? Galit ka? Ayaw mo kaming pakainin ng mga anak mo? May pasabi-sabi ka pang, 'I love feeding you, wife. Gusto ko healthy kayong dalawa ng anak natin'" I mocked him, remembering what he said last two nights in Bohol.

"Pero tatlo na kaming papakainin mo, so shoo! Buy me dali na! Our babies are hungry!" Pagtatabuyan ko kay Reid.

Lukot na lukot naman ang mukha niyang napapasok ng banyo at nang lumabas ay naka bihis na ito at tinawagan ang piloto ng chopper niya para sunduin siya at ihatid sa Baguio.

***

Humiga naman si Reid sa hita ko pagkatapos niyang mabigay saakin ang strawberries na dala niya na galing pa mismo sa Baguio.

"Ahh! Ang sarap!" I exclaimed, natawa naman si Reid sa sinabi ko at napatingin saakin. Pinatong niya ang tenga niya sa tyan ko at hinaplos ito.

"You happy now, my babies? Hindi pala si mama pinapahirapan niyo. Ako pala." Natawa ako sa sinabi ni Reid. "Ginusto mo 'yan e. Maghirap ka." Nakangiting sabi ko sa kanya, napangiti naman si Reid at napapikit.

Twisted Fate (Reid Sierra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon