3 - Fate

105 27 3
                                    

Mahigpit parin ang pagkakahila saakin ng lalaki papunta sa kung saan.

"Ano ba, sir! Nasasaktan ako!" Sigaw ko, napapatingin na ang mga tao sa gawi namin dahil sa salitan ng sigaw namin.

"No, not until you apologize to my fiancé!" Sigaw niya. Hindi ko na makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito saakin habang hila-hila parin ako.

Bakit kasi mas malakas pa siya saakin! Nakakainis! Tulong, please! Ayoko pang mamatay! Hindi sa pagiging oa, pero mukhang doon din ang dating ko sa oras na madala niya ako sa kung saan.

"Sasama ako! Pero pwede ba bitawan mo ako? Masakit na ang kamay ko!" Sigaw ko sa kanya. Napatigil naman ito at napatingin sa kamay ko. Binitawan niya iyon, at halos maiyak ako dahil sa pamumula nito.

Sobrang payat ko lang! At may tendency na magkapasa kaagad ako dahil anemic akong tao! Nakakainis! Nakakainis!

Nanggilid naman ang luha ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Hawak ko ang pulsuhan ko at napapapikit minsan sa sakit.

"Shit." Rinig kong mura niya kaya napatawa ako ng marahan. "Bakit kasi nanlalaban ka!" Habang nagtatagalog ito ay bakas na bakas ang kanyang american accent. Pero mas natawa ako sa sinabi niya.

"Wow! Kasalanan ko pa?! Paano ako hindi manlalaban kung hinihila ako ng isang stranghero? Tingin mo sasama nalang ako bigla-bigla sa isang tulad mo?!" Sigaw ko sa kanya. Ramdam kong tumulo ang luha ko pagkatapos kong sabihin iyon. Kaagad ko naman pinunasan iyon at huminga ng malalim.

"Tara na, pupuntahan pa natin ang fiancé mo hindi ba? Para matapos na ito! Dahil pinipilit mo naman na ako ang gumawa non, heto na. Sasama na. Bilis. Inaaksaya mo ang oras ko." Malamig kong sabi sa kanya. Napaatras naman ito pero kaagad ding gumalaw at nagtungo sa parking lot ng merkado.

Huminto ito sa itim na BWM sedan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Baka tumakas ka pa!" Sigaw niya saakin. Sinamaan ko siya ng tingin pero kaagad ding pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis naman itong nakarating sa driver's seat.

"'Yung order mong bulaklak!" Sigaw ko sa kanya ng maalala ang bulaklak.

"Let it. I don't give a fuck 'bout it. And I don't need refunds." Sabi niya at nagsimula nang iandar ang sasakyan nito.

Patuloy parin ako sa paghahaplos ko ng pulsuhan ko dahil kumikirot parin ito. Naiinis parin ako dahil sa ginawa niya, oo alam kong kasalanan ko, pero can't he see my figure?! I'm too small for him!

Hindi niya naman mapigilan magmura dahil kada minuto ay mura siya mura. Ganito ba talaga ang mga amerikano?

Lumipas ang thirty minutes ata ay nakarating kami sa isang malaking bahay. More like mansyon or kastilyo or kung ano pa ang pwedeng itawag dito. Kaagad namang bumukas ang gate nito at tinahak namin ang papasok sa loob. Halos mamangha ako sa kagandahan ng lugar. Para lang akong pumasok sa mala fairytale castles dahil sa pagkakaayos ng mga pine trees, hanggang sa maliit na halaman habang tinatahak ang daan papalapit sa mansyon.

I didn't know a huge house like this would still exist in Metro Manila. Akala ko kasi napapaligiran na ng mga nagsisitaasang building ang palibot. But there's still a house like this somewhere in Metro Manila. Wow. Just wow. I couldn't describe well the structure of the house but it was more likely designed into medieval times. Like I was in Europe as soon as I looked at the house.

Bumaba siya at sinenyasan akong bumaba. Kaya napababa ako ng sasakyan at kinakabahan na sumunod sa kanya na kalmado lang pumasok sa loob. Bahay niya ba ito? Gaano ba siya ka yaman? Bakit ang ganda ng loob ng bahay niya?

"Come here," inirapan ko naman ito dahil sa pag-utos niya saakin.

"Lux? Baby, I'm home." Tawag niya sa fiancé niya. By the way he calls his fiancé sobrang lambing ng boses niya pero kapag kausap ako, sobrang galit na galit parang gustong makapatay.

Twisted Fate (Reid Sierra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon