REID SIERRA
Ilang beses akong napabuntong-hininga dito sa may clubhouse. Lutang at malayo ang tingin ko at mukhang nawawala na ako ng bait.
"Hoy!" I didn't flinch or what after Yasmir shouted at my face. Bumuga lang ako ng hangin at muling nilagok ang beer na hawak ko.
Inaagaw naman ni Yasmir ang bote ng beer saakin. "Tangina, Reid pang sampung bote mo na 'yan." Natawa ako at napatingin sa lamesa. Tama, nakasampung bote na nga ako. Pero hindi parin ako nalalasing.
"I want to get drunk, Mir. Let me." Babawiin ko na sana ang boteng hawak ni Yasmir nang may sumakal saakin at kinutusan ako.
"Tangina!" Sigaw ko at hinimas ang ulo ko sa sakit. "Nag-iinom ka dito ng hindi man lang nag-aaya? Buti nakita kong bukas ilaw dito!" Sigaw ni Yuri, inirapan ko siya at napaismid.
"Yaan mo na, broken e." Tamad na sabi naman ni Ezekiel dala ang kambal na anak. "Oh, asan si Zahouri?" Tanong ni Yuri nang makitang hawak ni Zeke ang kambal niya. "Nasa trabaho. Daddy time muna." Lukot ang mukha ni Zeke pero nang umiyak si Zianna ay napangiti si Zeke at inaalo ang one year old na anak.
"Akin na," sabi ko kay Zeke at kinuha ang baby niya. Hindi naman nag-alinglangan si Zeke na ibigay saakin si Zianna.
"Hi there little one," bati ko sa bata napatawa naman siya habang tinataas baba ko siya sa hita ko.
Habang nilalaro ko siya ay napapaisip ako. What if hindi nakunan si Lily, ganito din ba ang feeling ko habang nilalaro ang anak namin? O mas higit pa sa saya na nararamdaman ko ngayon?
"Peekaboo!" Sabi ko nang ihiga ko si Zianna sa gilid ko para mag peekaboo sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya kaya napapatawa din ako sa tawa niya.
"Reid," tawag ni Errol, napalingon ako at nakita ko ang mga pinsan kong may lungkot sa mga mata nilang nakatitig saakin. Natawa naman ako ng mahina.
"I'm fine," sabi ko at muling nilaro si Zianna pero tumulo ang luha ko. Kaagad kong pinunasan iyon at tumawa ng mahina. Pero napalakas din ang tawa ko nang tumawa si Zianna ng malakas.
"Sadista kang bata ka, gustong nasasaktan si Tito ano?" Natatawang sabi ko kay Zia. Muling tumawa si Zia kaya napailing ako.
"Yo-" napatingin kaming lahat ng pumasok si Riley. "Psh." Sabi nito nang mapansin atang lahat kami ay nakatingin sa kanya.
***
We celebrated Yasmir's birthday as if nothing happened. I'm happy for him and to his triplets, turning three today.
Ilang araw narin ang nagdaan nang iwanan ako ni Lily. I don't know where she is, pero may pinabantayan akong sundan siya, hindi ako nagtatanong ng location niya, just an update if she's doing fine. Kapag kasi nalaman ko kung nasaan siya, hindi ako mag-aalinglangan na puntahan siya kaagad.
I don't want that to happen, because I don't want her to pressure or what. I give her space as she wanted, so giving her privacy is all she needed, but still keeping her safe from Donya Gigi.
The team can't still locate her. Magaling magtago. Subukan mo lang lumapit kay Lily, Donya Gigi. Ako mismo ang papatay sa'yo.
It's been three months since Lily left. Magpapasko na, pero hindi ko magawang maging masaya. Kumusta na kaya siya? Is she's missing me too? Is she's fine? Kumakain ba siya sa tamang oras?
Bigla akong napatawa, matigas ang ulo ni Lily, hindi kumakain sa tamang oras 'yun. Mas uunahin pa ang trabaho kesa kumain. Pero ang problema kasi, hindi din siya nagpupunta sa Dangwa.
"Here," inabot saakin ni Ryker ang reports ng shop ni Lily, it's blooming and the sales are keeps on increasing each month.
"Napapamahal ka na ata sa Dangwa, Ry." I tease my brother, mapaismid lang siya at natawa.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate (Reid Sierra)
RomanceWARNING: R18+ on some chapters. Read at your own risk. Reid Sierra x Chandria Lily Lopez Reid Sierra and Luxury Suarez had been together for a decade before their wedding day arrived. However, their joyous occasion turned into chaos when a woman, na...