27 - Roses

59 18 0
                                    

CHANDRIA LILY LOPEZ

"You still have a lot of time to learn, Lily. You can ask me if you need help, bisita ka lang sa bahay. Katabi lang naman kay Reid." Natawa kaming dalawa ni Hira.

Ang aabno nga nila e, magkakatabi lang bahay nilang magpipinsan pero hindi masyadong bumibisita. Imagine owning half hectare of land for a mansion, tig kalahating hektarya pa silang magpipinsan. Na para bang ayaw na nilang maghiwalay-hiwalay.

Kaya naging Sierra Villas ang lugar na iyon at napaka exclusive for the Sierra family lang. So far, si Rafael, Ethan, Eros, Emman at Ezekiel, Yael, Yasmir at Reid palang ang nakakatira doon. Wala pa kasing pamilya ang iba, pero pinapatayo narin ni Errol, Ravi at Riley ang mga mansyon nila.

Aside from the mansions, may club house doon na napakalaki, may swimming pool din na hindi naman nagagamit kasi may mga pools ang mga mansion nila, may malaking playground din. Minsan akong napaikot dahil sa kaboryohan ko noong kinulong ako ni Reid sa mansyon niya dati. Naabutan ko pa nga ang mga bata doon na naglalaro kasama ang mga yaya nila, at sila Hira, Sera na nag-uusap.

Mapapasana all nalang talaga sa kayamanan ng mga Sierra. Hindi mabilang. Kahit siguro hindi sila magtrabaho ay may pera parin silang natatanggap.

"What are you thinking?" Reid asked while carrying Harvey who's now sleeping in his arms.

"Kung paano nakawin ang bangko niyo." Nakanguso kong sabi, natawa naman si Reid sa sinabi ko. "Seryoso ako, Reid." Hindi parin mawala ang ngiti sa labi niya ng sabihin ko iyon.

"Magkano ba pera niyo? Bakit parang hindi nauubos." Nakanguso kong sabi sa kanya. Kinurot niya naman ng mahina ang pisngi ko, "secret. But it's too enough to spoil you, mahal. Ano ba gusto mo?" Tanong niya.

"Hmm," napaisip ako sa sinabi niya, actually wala naman, materialistic ako pero sa mga bagay na alam kong may pakinabang saakin at ikakasaya ko. Pero mga expensive things? Nuh. Hindi naman kasi ako namulat sa ganong mundo. Kontento ako dahil iyon ang turo ni papa saamin.

"Expensive cars, choppers with my name, airplanes, yacht, limited edition, designer clothes and bags, expensive watches." Pagbibiro ko kay Reid. Titignan ko lang kung kakagat ba siya. Pero kaagad ding nawala ang ngiti sa labi ko nang may tawagan siya sa phone niya.

"Buy me a chopper, Carl. Named it to my girlfriend, Lily Lopez. And an airplane too, private. Ah, get me the lastest car, the most expensive, Carl. And go to Paris buy me with the latest—" kaagad kong tinakpan ang bibig ni Reid at hinablot ang cellphone, "Nagbibiro lang si Reid, Carl. Don't mind him. Bye!" Sabi ko at binaba ang tawag niya sa executive secretary niya. Napatawa naman si Reid pero kaagad kong inirapan.

"Nagbibiro lang naman ako e!" Sigaw ko sa kanya, ramdam kong napatingin saamin ang mga tao sa loob ng museum pero hindi parin natitigil si Reid sa pagtawa.

"You shouldn't make jokes to the Sierras, Lily." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Hira, tumawa naman siya. Karga niya si Henry at napapahikab na, kinukusot narin ang mga mata.

"Kasi gagawin talaga nila 'yan ng walang pag-aalinglangan." Nakangiting sabi ni Hira.

Napanguso naman ako, "halata nga. Tinawagan agad secretary e!" Inis kong sabi mas lalong natawa si Hira pati si Reid ay nakisali din.

"Even if you don't ask for it, Lily, I'll make it happen for you. What's mine is yours now too." Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Okay, kinilig ako doon.

"Uuwi na kami, knock down na ang mga bata." Sabi ni Yasmir bitbit si Haniel at natutulog na sa balikat niya ng makalapit saamin. Tumango naman ako at nakita ko si Hope na nilalaro ang stuff toys na mukhang binili ni Yasmir sa loob.

Twisted Fate (Reid Sierra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon