26 - Learning

59 18 0
                                    

CHANDRIA LILY LOPEZ

Naghahanap ako ng pwedeng ibihis para sa date namin ni Reid ang kaso ay nahihirapan akong pumili.

"Not yet—why?" Sumilip si Reid sa pintuan ng walk-in-closet ko at nang makitang nakaroba parin ako ay nagtaka niya

"It's our first date together, Reid. Gusto ko maganda ako." Sabi ko sa kanya, natawa naman siya at lumapit saakin.

Sumandal siya sa counter na nasa gitna na puno ng mga alahas, relo at iba't-ibang klase ng accessories. Binilhan na ako ni Reid ng mga gamit simula noong tumira ako dito, kahit na ayoko, para daw mapuno ang closet ko at may magamit daw ako, pero hindi ko pa naman nagagalaw ang mga iyon except sa mga damit na binili niya para saakin.

"You're already beautiful, mahal. Hindi mo na kailangan pang magpaganda." Ngumuso ako at inirapan siya tsaka naglakad palayo para maghanap ng damit.

"Ayoko, baka maging basahan lang ako sa tabi mo." Inis kong sabi sa kanya. Lahat naman ng mga damit dito ay magaganda, halatang mamahalin, pero hindi ko mahanap ang gusto ko.

"Let me help you," tumayo ito at lumapit saakin, tinatapat niya ang mga dress saakin at ibabalik sa lagayan kapag hindi niya nagustuhan.

"Marunong ka ba talaga?" I asked, irritated.

"What do you think of me, mahal?" He gently asked, still busy on choosing clothes for me.

"Mukhang hindi maalam." Nakanguso kong sabi, napatawa naman siya at muling binalik ang damit sa closet at naglakad sa mga dresses na all white.

Inorganize ko kasi ang mga damit dito by colors. Sakit sa mata kasi kapag iba-iba kulay na magkakatabi. Naiirita ako.

"How about this one?" He picked the long satin dress na tingin ko hapit sa katawan ko. I shrugged.

"Anong klaseng date ba? Baka mamaya with activities pupuntahan natin tapos naka dress ako." Napanguso ako at naglakad sa may mga blouse and t-shirts.

"I still don't know yet." Sinamaan ko ng tingin si Reid pero tumawa lang siya. "Museums? Like interactive museums." Napangiti ako dahil iyon talaga ang gusto kong puntahan.

Kumuha ako ng pants at simple blouse na pinartner ko. Magsusuot na sana ako ng rubber shoes ng umupo si Reid para siya na mismo magsuot noon saakin.

"Ang sweet naman," bulalas ko na ikinatawa niya. "I'm always sweet, mahal." Inirapan ko siya, "sweet? Unang kita ko palang sa'yo mahigpit na pagkakakapit mo sa pulsuhan ko na para bang makakatakas ako." Sabi ko sa kanya habang tinatali niya ang sintas.

"Well, tama lang na hawakan kita ng mahigpit dahil mukhang runner ka pa naman sa bilis ng takbo mo sa beach noong nalasing ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, nag-angat naman siya ng tingin saakin.

"You don't remember, do you?" Napanguso ako at umiling. "You're such a great runner, Lily. Pinahirapan mo akong habulin ka. Mukha ka ngang hindi lasing dahil sa bilis ng takbo mo." Natatawa niyang sabi, kaya mas lalo lang akong napanguso.

"And you know what you did too?" Tanong niya habang sinuotan ako ng medyas sa isang paa at ipasok sa isang sapatos.

"Ano?" Tanong ko, my confusion evident in my tone. "You throw sand over your head, my love, and yet you're pointing fingers at me!" He chuckled, clearly finding the situation amusing. As the memory flooded back, I found myself joining in his laughter.

***

Dumaan muna kami sa dangwa para tignan sila Dahlia at Jasrel na nagbabangayan na naman.

"Ikaw kasi! Mali naman nilagay mo! Argh!" Inis na sabi ni Dahlia.

Twisted Fate (Reid Sierra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon