CHANDRIA LILY LOPEZ
As soon as Reid left for work ay kaagad naman akong dinalaw ni Hira kasama ang mga anak niya dahil naboboryo narin naman daw sila sa kanilang bahay, pero papunta kami ngayon sa clubhouse dahil nandoon din ang iilang mga asawa ng mga Sierra. Girls bonding daw, dahil iniwan ng mga asawa dahil sa trabaho. Napailing ako nang sabihin ni Hira iyon.
May inasikaso daw kasi si Yasmir at nasa Las Vegas kasama si Errol. Kahit na nasa on-leave ang mga Sierra e hindi parin talaga nila maiwasan ang trabaho, jusko.
Si Emman naman ay umuwi ng Cebu dahil nagkaproblema sa resort nila, habang si Ezekiel ay nasa Bohol para tignan ang pinapatayong Resort sa Anda.
"Tita, I can't wait to meet your baby with Tito Reid!" excited na sabi ni Hari, napatawa naman ako dahil mas excited pa siya kesa siguro saakin.
"I'm here, kuya." Ngusong sabi ni Hope. Natawa kami ni Hira dahil marunong na magselos si Hope. Ginulo naman ni Hari ang buhok ni Hope at hinalikan ang noo. "I know, Hope. You're still Kuya's favorite." I smiled on how sweet Hari towards to their only girl.
Nakarating kami ng clubhouse, nandoon na si Zahouri at Demetri, kasama si Ate Sam at Ate Sera, well kasama ang mga anak with their yayas.
"Hari!" tawag ni Baste nang makita kaming papasok. Anak ni Eros at Ate Sam si Baste o Sebastian. Mas matanda ng ilang buwan si Baste kay Hari.
Nag-fist bump naman ang dalawa kaya napatawa kaming mga babae. "Ang cute lang e," natatawang sabi ni Tri.
"Ako din!" at sumali din si Austin na anak nila Ethan at Ate Sera na limang taong gulang pa lamang.
Mga anak nila Eros at Ate Samantha sina Sebastian, Sean, Shiloh, Seth at Samuel. Ni Ethan naman at ni Ate Sera ay sina Austin, Aries at Atticus. Kay Rafael at Ate Yanna naman ay sina Russel, Rylan at Randall. Kay Yael at Ate Bella naman ay sina Brian, Blaze at Blaise. Kay Emman at Demetria ay ang kambal na si Xander at Xanthe. Kay Ezekiel at Zahouri ay ang kambal na si Zianna at Zion. Kay Yasmir at Hira naman ay sina Hari, Haniel at ang triplets na sina Henry, Harvey at Hope.
So far, tatlo palang ang babae ng Sierra at mas gugustuhin ng mga in-laws namin na magkaroon ng maraming babaeng apo. Pero mas maganda parin daw kapag lalaki para may magdala ng surname na Sierra.
This new generation of Sierra will bring more power to the Sierra Family, mas marami kasi sila ngayon. Ngayon palang ay nilampasan na ang bilang nila Reid, na siyam palang sa kanila ang nagkakaanak, e labing-pito silang magpipinsan.
Ngayon palang na sama-sama ang mga magpinsan sakit na sa ulo, paano kapag itong new gen na ang mag binata at dalaga. Hindi ko maisip ang kaguluhang mangyayari.
Masayang naliligo ang mga bata sa pambata na pool kasama ang mga yaya nila. Tig-iisa pa para maalagaan ng maayos dahil iyon gusto ng mga parents ng mga asawa nila.
Naglalaro naman kami ng bowling, may arcade kasi dito. Lahat ng nakikita sa mall ay meron sa clubhouse. Parang mansyon narin ito pero more on entertainment lang talaga siya.
At nang mapagod e napaupo kami sa gitna ng bahay na may malaki at mahabang sofa.
"So, how's being the newest member of the Sierra family, Lily?" Tanong ni Ate Sera, malawak ang ngiti at naghihintay ng masasagot ko.
"Uh, ano ba pwedeng isagot?" Tanong ko habang natatawa.
"Anong klaseng tanong 'yan, Ate Sera." Natatawang sabi naman ni Demetria.
"Oo nga, Sera." Sabi naman ni Hira na kakarating lang bitbit si Hope na umiiyak.
"Oh, why our baby girl is crying?" Tanong ni Ate Sam. Kinuha niya si Hope at inaalo si Hope.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate (Reid Sierra)
RomanceWARNING: R18+ on some chapters. Read at your own risk. Reid Sierra x Chandria Lily Lopez Reid Sierra and Luxury Suarez had been together for a decade before their wedding day arrived. However, their joyous occasion turned into chaos when a woman, na...